Silipin ang Enjoy at Masayang Bonding Moments ng Aktres na si Sofia Andres at Napakacute niyang Anak na Si Zoe

Ang aktres na si Sofia Andres ay isa sa mga young aktres na taglay ang magandang mukha at natatanging talento sa pag-arte na talagang hinahangaan ng marami. Ngunit, bigla na lamang nagulat ang publiko matapos aminin ng magandang aktres na siya ay isa nang ganap na ina sa anak nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, isang car racer.

Ang bunga ng pagmamahalan nina Sofia at Daniel ay isang napakacute na baby girl, na pinangalanan nilang Zoe. At magmula nang ianunsiyo ni Sofia ang kanyang pagiging isang ina, ay tuluyan na rin niyang binuksan sa publiko ang buhay ng kanilang pamilya.

Photo credits: iamsofiaandres | IG

Ngayon nga, ay madalas ibahagi sa social media ni Sofia ang masayang kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya, lalo na sa milestone ng kanilang anak ni Daniel na si Sofia. At bilang isang ina nga ay maituturing na biyaya ang makasama at makitang lumalaki si Zoe. Kaya naman, ang bawat sandali ay talagang hindi pinapalampas ni Sofia para makasama at makabonding ang kanyang napakacute na baby girl.

Kamakailan lamang nang ipasilip ni Sofia sa kanyang mga tagahanga ang masayang bonding moments nilang mag-ina habang nasa swimming pool. Sa Instagram ay ibinahagi ni Sofia ang isang maikling video na naglalaman ng mahigit isang minuto, kung saan masisilayan ang kanilang precious moments. Makikita sa video ang katapangang ipinakita ni Baby Zoe sa pagtalon sa pool habang si Sofia naman ay nakaabang sa anak upang saluhin at alalayan ito.

Kalakip naman ng video, ay caption na nagsasabi kung gaano ka-proud si Sofia sa ipinamalas na tapang ni Baby Zoe sa kanyang pagtalon sa swimming pool.

“I’m just so proud of her. Such a brave one!,”caption ni Sofia sa kanyang post.

Maliban sa pagiging isang proud mommy ni Sofia, ay mababakas rin sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan sa kanilang bonding time sa swimming pool kasama ang anak.

Samantala, sa hiwalay namang post, ay ibinahagi ni Sofia na ang kanyang pagiging isang ina, ay nagsisilbi niyang kalakasan upang harapin ang anumang hamon at pagsubok sa buhay. Dagdag pa ng aktres, ay hindi umano siya mapapagod at magsasawang mahalin ang kanyang anak, dahil sa pagdating ni Baby Zoey ay natagpuan niya ang kanyang best friend na matagal na niyang hinahanap sa buhay niya.

Photo credits: iamsofiaandres | IG

Nag-post rin sa Instagram si Sofia, kung saan inamin niya na sa kabila ng kanyang pagiging isang ina, ay hindi rin siya perpekto at may mga bagay na dapat pa niyang matutunan bilang isang ina. Nangako naman ang aktres na gagawain niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mas lalo pang matutunan ang pagiging isang responsable at mapagmahal na ina sa kanyang munting anghel na si Baby Zoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *