Sila ang mga Sikat na Personalidad na Kambal na Para Talagang Pinagbiyak na Bunga

Maraming magaganda at gwapong artista sa industriya ng showbiz na taglay ang kahanga-hangang talento. Ilan nga sa mga ito, ay may mga kakambal na talaga namang hindi maikakaila ang natatangi ring talento. Sila nga ang mga magaganda at gwapong celebrity twins sa industriya ng showbiz.

1. Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez

Photo credits: google.com

Ang kambal na anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at asawa nitong isang dating aktres na si Anabelle Rama na sina Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez ay identical twins kung saan ay magkamukhang-mukha. Ngunit sa kabila ng pagiging identical, pagdating naman sa kanilang mga hilig at nais gawin sa buhay ay magkaiba. Si Richard ay isang mahusay na aktor, samantalang isa namang TV host si Raymond sa mundo ng showbiz.

2. Jinkee Pacquiao at Janette Jamora

Photo credits: google.com

Ang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, ay may kakambal. Siya nga si Janette Jamora na tila isang salaming imahe ni Jinkee dahil sila’y identical twins. Marami ang nalilito sa kanilang dalawa kung sino si Jinkee o si Janette lalo na nga’t pareho ang hilig nila pagdating sa fashion.

3. Jaja at Boom-Boom (The Jaboom Twins)

Photo credits: google.com

Ang identical twins na sina Jaja at Boom-Boom ay nakilala at sumikat sa commercial ng Rejoice shampoo sa jingle nitong “Sunod sa Galaw” noong 2004. Matapos madiskubre ang kambal na sina Katrina (Jaja) at Kristine (Boom-Boom) Gonzales ay lumikha rin sila ng pangalan sa industriya ng showbiz. Nagkaroon ng ilang proyekto sa ABS-CBN ang kambal. Ngunit, noong 2006 ay naging ganap silang Kapuso at mas lalong nakilala sa kanilang pagganap sa Encantadia.

4. Cassandra at Maverick Legaspi

Photo credits: google.com

Ang anak na kambal ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassandra at Maverick ay kilala bilang mga endorser ng mga sikat na produkto noong bata pa sila. Sadyang nakakagigil naman talaga ang cute at maamong mukha ng kambal. Ngayon naman ay ganap na silang mga dalaga at binata na parehong maganda at gwapo. Lumilikha naman ang kambal ng sarili nilang pangalan sa industriya ng showbiz bilang mahuhusay na artista ng Kapuso Network.

5. Felix at Dominic Roco

Photo credits: google.com

Ang kambal na anak ni Bemhol Roco na sina Felix at Dominic Roco ay identical twins. Halos walang pinagkaiba ang hitsura ng dalawa na parehong gwapo. Pareho rin ang landas na tinahak nila sa showbiz bilang mahuhusay na aktor. At kadalasan nga silang gumanap na kambal sa mga TV shows at pelikula.

6. Atasha at Andres Muhlach

Photo credits: google.com

Sina Atasha at Andres Muhlach ay anak ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Kahanga-hanga ang gwapo at magandang mukha ng kambal na hindi maikakailang namana sa kanilang mga magulang. Nakilala ang kambal bilang mga endorser ng mga kilalang kompanya sa bansa tulad na lamang ng Jollibee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *