Sila ang mga Sikat na Celebrities na Hindi lang Magaling Umarte Kundi Taglay din ang Katalinuhan, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude, Summa Cum Laude at Cum Laude

Ang mga sikat at kilalang artista sa showbiz ay hindi lamang taglay na magandang mukha, magandang katawan at kahanga-hangang talento ang maipagmamalaki. Dahil maliban dito, ay taglay rin ng ilan sa kanila ang kahanga-hangang katalinuhan dahilan nga upang matapos nila ang kinuhang kurso sa kolehiyo nang may karangalan.

Kilalanin ang mga sikat na celebrities sa showbiz na taglay ang kahanga-hangang katalinuhan dahilan upang magkapagtapos sa kanilang pag-aaral sa Kolehiyo bilang Magna Cum Laude, Summa Cum Laude at Cum Laude.

1. Benjamin Alvez

Ang gwapong Kapuso aktor na si Benjamin Alvez ay ipinamalas ang kanyang talino nang magtapos bilang Summa Cum Laude sa kinuhang kuros ng English Literature sa University of Guam.

2. Agot Isidro

Lingid sa kaalaman ng marami, taglay ng aktres na si Agot Isidro ang kahanga-hangang katalinuhan dahilan nga upang magtapos siya bilang Magna Cum Laude sa Fashion Institute of Technology sa kursong Fashion Buying and Merchandising. Maliban rito ay nagkamit rin siya ng Master’s degree in Communication sa Ateneo de Manila University.

3. Shamcey Supsup Lee

Magna Cum Laude rin ang napakagandang beauty queen na si Shamcey Supsup Lee sa Architecture sa University of the Philippines Diliman. At noong 2010, ay pinahanga ni Shamcey ang marami matapos mag-top sa Architect Licensure Exams.

4. Giselle Sanchez

Sa University of the Philippines Diliman nagtapos ng kolehiyo si Giselle Sanchez, kung saan sa kinuhang kurso na Broadcast Communication ay nagtapos siya bilang Magna Cum Laude.

5. Paula Peralejo

Magna Cum Laude rin ang aktres na si Paula Peralejo sa kinuha niyang kurso na Philosophy, minor in Tourism na natapos sa University of the Philippines Diliman.

6. Yasmin Kurdi

Kusong Political Science ang kinuha ng Kapuso star Yasmin Curdi sa Arellano University kung saan nakapagtapos siya bilang Magna Cum Laude.

7. Carla Abella

Ang aktres na si Carla Abella ay nagkatapos ng Cum Laude sa kinuhang kurso na AB Psychology sa De La Salle University.

8. Myrtle Sarrosa

Ang kinuhang kurso ni Myrtyle Sarrosa ay Broadcast Communication para makamit niya ang karangalang Cum Laude sa maganda at prestihiyosong paaralan ng University of the Philippines.

9. Bernadette Allyson

Sa De La Salle University nagtapos ng kursong BS Psychology si Bernadette Allyson bilang Cum Laude.

10. Venus Raj

Ipinamalas ni Venus Raj ang kanyang husay at katalinuhan sa kursong Communication Arts bilang Cum Laude sa Bicol University. Maliban rito, ay nagkamit rin master’s degree ang beauty quee sa University of the Philippines.

11. Nanette Medved-Po

Nagkamit ng parangal bilang Summa Cum Laude sa sa kursong Finance – Entrepreneurial Studies si Nanette Medved-Po sa Babson College. Bago naman siya lumipat sa Massachusetts institution, ay kumuha ng kurosng Business Administration si Nanette ng halos isang taon sa De La Salle University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *