Sila ang mga Kilalang Pinay Celebrities na Nakapangasawa o may Karelasyon na Politician

Ang mga sikat at kilalang personalidad sa showbiz, ay talaga namang kahanga-hanga ang taglay na ganda at talento. Maliban rito, ay hahangaan rin ang kanilang marangyang pamumuhay na kung saan ay masasabi na kaya na nilang bilhin at makuha ang kanilang naisin. Tila nga, nasa kanila na ang pinapangarap na pamumuhay ng marami.

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ay hanap rin nila ay tulad nilang nakakaangat sa buhay. Kaya naman, kung hindi kapwa sikat na personalidad sa showbiz, o negosyante ay politiko ang kanilang napupusuan na makasama sa kanilang buhay. Sa kabila ng marangyang pamumuhay sa piling ng kanilang mga asawang politiko, ay higit namang madarama ang tunay at wagas nilang pagmamahal sa isa’t isa.

Kilalanin ang mga sikat na personalidad sa showbiz na nakapangasawa o may nakarelasyon na politiko.

1. Heart Evangelista

Photo credits: google.com

Ang Kapuso star na si Heart Evangelista, ay napatibok ang puso ng dating Senador at ngayon ay nakaupong Gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong February 2015 na naganap sa Balesin Island Club.

2. Bianca Manalo

Photo credits: google.com

Ang aktres na si Bianca Manalo ay mapalad na natagpuan ang kabiyak ng kanyang puso sa katauhan ni Senator Win Gatchalian. At noong November 2020, ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalawang taong anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

3. Iwa Moto

Photo credits: google.com

Masaya ngayon si Iwa Moto sa piling ng kanyang partner na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. Ang kanilang masayang relasyon ay nagsimula noong 2012 na puno ng pagmamahalan. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak. Ang panganay nilang anak ay isinilang ni Iwa noong 2013, at ang bunso naman ay noong January 2021.

4. Dina Bonnevie

Photo credits: google.com

Matapos ang dalawang bigong pag-ibig sa mga naunang nakarelasyon, ay muling umibig si Dina Bonnevie. At sa pagkakataong ito, ay nabihag siya ng politikong si Deogracias Victor Savellano, Ilocos Sur Representative Ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong 2012.

5. Lani Mercado

Photo credits: google.com

Ang Mayor ng Bacoor na si Lani Mercado ay umibig sa isang aktor at politikong si Senator Bong Revilla. Sila ay ikinasal noong 1986 kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng anim na anak.

6. Lucy Torres

Photo credits: google.com

Pinakasalan ni Lucy Torres ang aktor at Ormoc City Mayor na si Richard Gomez at sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc noong 1998. Biniyayaan ng isang anak na babae ang kanilang pagsasama, si Juliana na isinilang ni Lucy noong 2000.

7. Assunta de Rossi

Photo credits: google.com

Taong 2004 nang magpakasal si Assunta sa kanyang asawang si Jules Ledesma, na isang businessman at politician. Matapos naman ang 16 na taong paghihintay ay biniyayaan ng isang napakacute na sanggol ang kanilang pagsasama. Siya si Baby Fiore na isinilang ni Assunta noong Oktubre ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *