Sila ang mga Ex-Celebrity Couple sa Showbiz na Hindi Sang-ayon ang kanilang Pamilya sa Kanilang Naging Relasyon Noon

Ang mga magulang nga ay sadyang mapagmahal, at pinapangalagaan ang kanilang mga anak. Kaya naman, pagdating sa mga taong nais pumasok sa buhay ng kanilang anak, ay hindi nila hinahayaang masaktan kung kaya’t ganun na lamang ang ginagawang pag-iingat at pagprotekta sa mga kanilang anak, lalo na pagdating sa usapang puso.

At bilang mga magulang nga, ay madalas nilang sabihin na mas sila ang nakakaalam ng mabuti, at bagay na ikakapahamak ng kanilang anak. Sabi nga nila, walang magulang ang nais mapahamak ang kanilang anak. Kaya naman, madalas silang nasa tabi ng kanilang anak upang gumabay sa tatahaking desisyon at landas ng mga ito.

May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang mga magulang at anak dahil sa magkaiba ng pananaw at desisyon sa buhay. At ang ilan nga, ay naging hadlang pa ang mga magulang sa relasyon ng kanilang mga anak. Katulad na lamang ng mga sikat na dating magkasintahan na ito, na hindi sang-ayon ang kanilang mga magulang sa kanilang naging relasyon.

1. Jericho Rosales at Heart Evangelista

Noong una ay masaya ang simula ng relasyon ng aktres na si Heart Evangelista at Jericho Rosales ngunit, sa huli ay nauwi hiwalayan. Taong 2008 nang maghiwalay ang dalawa, at base sa kwento ng aktres ay malaki ang kinalaman ng kanyang mga magulang sa kanilang paghihiwalay. Malaki ang pagtutol ng mga magulang ni Heart sa relasyon nila ni Jericho dahil umano may anak ito sa una nitong nakarelasyon.

Photo credits: google.com

Sa kabila nito, ay ipinaglaban ni Heart ang kanilang relasyon at humantong pa sa puntong hindi niya kinausap ang kanyang mga magulang sa loob ng tatlong taon. Nabanggit rin ni Heart na kaya sila naghiwalay ay dahil napaniwala siya ng kanyang mga magulang na niloko siya ng aktor. Matapos ng kanilang paghihiwalay, ay nais kausapin ni Jericho si Heart, upang makapagpaliwanag ngunit, hindi ito nangyari matapos siyang iiwas ng kanyang mga magulang sa dating nobyo.

2. Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion

Nagtagal ng halos tatlong taon ang dating magkasintahan na sila Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion. Kumalat naman ang espekulasyon matapos nilang maghiwalay, na may kinalaman raw ang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis sa kanilang hiwalayan.

Photo credits: google.com

Ayon sa ulat ng Pep.ph, ay nagkita si Anne at Sam sa isang event noong 2014 kung saan ay may naganap na komprontasyon. At ayon pa sa ulat, ay sinigawan raw ni Anne si Sam.

3. Kris Aquino at Gabby Concepcion

Photo credits: google.com

Ang kilalang columnist na si Lolit Solis ang nagbunyag sa publiko ng kinahinatnan ng relasyon ng ex-celebrity couple na sina Kris Aquino at Gabby Concepcion. Ayon nga rito, ay hindi umano sang-ayon sa pag-iibigan nilang dalawa ang ina ni Kris na si dating President Corazon Aquino. Umabot rin raw sa puntong tumatakas si Kris sa tuwing nakikipagkita kay Gabby. At upang tutulan ang kanilang relasyon, ay ginamit pa ng dating Pangulo ang kanyang kapangyarian sa pamamagitan ng Security Group para lang mabantayan si Kris.

4. Kris Aquino at James Yap

Photo credits: google.com

Nagdulot rin ng kontrobersya ang relasyon ni Kris sa kanyang dating asawa na si James Yap. Ngunit, sa pagkakataong ito ay ina naman ni James ang hindi pabor sa relasyon nilang dalawa. Ayon sa panayam ng Pep.ph, ay sinabi ni Annie Yap, ina ni James na hindi siya sang-ayon sa kasal nilang dalawa dahil sa magkaiba at malayong estado ng kanilang buhay.

5. Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas

Noon pa mang bago ikasal noong 2003 ang dating mag-asawang Ruffa Gutierres at Yilmaz Bektas ay matinding pagtutol na ang ipinakita ng ina ni Ruffa na si Anabelle Rama.

Photo credits: google.com

At ikinagulat na lamang ng publiko ang kanilang paghihiwalay matapos ang apat na taon. Biniyayaan naman ang kanilang pagsasama ng dalawang anak, sona Lorin at Venice.

6. Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Taong 1984 nang maganap ang secret civil wedding ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Photo credits: google.com

Ang nasabing kasal ng dalawa ay mahigpit na tinutulan ng mga magulang ni Megastar. Ayon sa ilang ulat, ang ina nito na si Elaine Gamboa ay hindi siya kinausap habang ang ama naman niya na si Pablo Cuneta ay tiniis ang gutom.

7. Sarah Geronimo at Rayver Cruz

Photo credits: google.com

Ang ina ng Popstar Royalty Sarah Geronimo na si Mommy Divine ay strikto sa buhay pag-ibig ni Sarah na talaga namang iniingatan siyang mabuti. Matatandaan na sa dating relasyon ni Sarah sa aktor na si Rayver Cruz ay matindi ang naging pagtutol ni Mommy Divine. Sa katunayan nga nito ay sa text at Skype lamang sila nakakapag-usap. Hindi naman nagtagal ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon kung saan ay kauna-unang pagkabigo ng puso ni Sarah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *