Connect with us

Entertainment

“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama”: Dennis Padilla, Nais Makita at Makasama Kahit Saglit ang Kanyang Mga Anak kay Marjorie Barretto

Kamakailan lamang, ay nakakwentuhan ni Ogie Diaz sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang aktor na si Dennis Padilla. Habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay, ay may isang kahilingan na nabanggit si Dennis para sa kanyang mga anak.

Ang tanging hiling nga nito, ay sana raw ay makita at makasama niya ang kanyang mga anak sa kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon dahil matagal na panahon na rin niyang hindi nakakapiling ang mga ito.

Photo credits: google.com

Isa naman sa dagdag na suliranin sa hindi nila pagkikita, ay ang pandemya kung saan ay kailangang sumunod sa safety protocols. Ngunit, ayon nga kay Dennis, sana raw ay hanapan siya ng oras ng kanyang mga anak na magkasama sila kasi handa naman siyang magpa-swab test para matiyak na ligtas silang lahat bago magkita at magkasama.

Photo credits: google.com

“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama kasi willing naman akong magpa-PCR test bago kami magkita-kita para hindi sila matakot.”

Dahil nga matagal nang hindi nakikita ni Dennis ang kanyang mga anak, ay miss na miss na niya ang mga ito, at gustong-gusto na talaga niyang makita. Noong Disyembre 2020 nang huli niyang makita si Julia noon sa Viva office. Samantalang sina Claudia at Leon naman ay huli niyang nakita noong pagdiriwang ng Pasko taong 2019.

Photo credits: google.com

Bagama’t hindi madalas magkita, ay hindi naman nakakalimot si Dennis na itext ang kanyang mga anak upang yayain na mag-dinner. Ngunit, palagi raw alanganin ang sagot ng mga ito.

“Let’s see, sana makapag-dinner tayo. Ang sagot nila, ‘let’s see papa, see you soon.’ Mga ganu’n ang sagot, hindi specific ang sagot, parang in general.”

Photo credits: google.com

Samantala, maliban sa tatlong anak nila ni Marjorie, ay may naunang anak si Marjorie kay Kier Legaspi, si Daniella. Hindi na iba ang turing ni Dennis kay Daniella dahil parang tunay na anak na rin niya ito. Ngunit, ang bunsong anak ni Marjorie na si Erich ay hindi na naabutan pa ni Dennis.

Photo credits: google.com

Inamin naman ni Dennis na malaki ang pagkukulang at kasalanan niya kay Marjorie dahilan nga upang mawala ang pagmamahal nito sa kanya bilang kanyang asawa. At nang makakita umano ng isang taong mapagmahal at responsable, ay agad umanong nahulog si Marjorie.

“Malaki ang kasalanan ko kay Marjorie, ako ang may kasalanan kaya siya na-fall out of love and may dumating na iba sa buhay niya. Madali siyang na-fall kasi siyempre malungkot siya, depress siya lalo na ‘yung guy na dumating sa buhay niya is a good provider madali siyang mapo-fall doon, ganu’n ‘yun, eh.”

“Tapos ang liliit pa nu’ng mga bata, gusto ko mang mag-provide ng time na ‘yun hindi ko kakayanin,” aniya.

Photo credits: google.com

Ibinahagi naman ni Dennis na hindi naman siya inoobliga ni Marjorie sa responsibilidad niya sa kanyang mga anak. Ngunit, may mga natatanggap raw siyang sulat para sa gastusin ng kanyang mga anak. Kaya naman, pinagkakasya na lamang niya ang kanyang pera lalo na nga’t wala rin siyang gaanong proyekto.

“Minsan may pera akong 20 (thousand), ipapadala ko ang 15k, ititira ko ang 5k sa akin. Kaya lang may time sa buhay natin mga artista na wala talagang project,”saad ni Dennis.

Kwento pa ni Dennis ay madalas siyang magtext sa kanyang mga anak,pero matagal daw itong sagutin. At noong nagkasakit siya ng COVID-19, ay doon niya nakausap si Julia matapos niyang itext ng “Julia, I feel so alone”.

“‘Pa, you are not alone, we are praying for you. Ganu’n din sina Claudia, Leon at Dani na ‘magpalakas ka Pa, we are praying for you.’ Nakatulong sa akin ‘yung mga sinabi nila, saka papakingan ng Diyos ‘yun, mga anak ko sila.”

Pagbabahagi pa ni Dennis, noong nagkasakit siya ay hindi siya umasa na tutulungan siya financially ng kanyang mga anak dahil ang nasa isip niya ay ang mga kaibigang sina Sen. Bong Go at kasama rin si Presidente Rodrigo Duterte dahil umabot sa milyon ang bill niya sa hospital.

Nang tanungin naman ni Ogie si Dennis kung hindi ba siya naiinggit sa boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson dahil mas madalas na kasama ng kanyang anak ang nobyo nito.

“E, ganu’n talaga mahal ni Julia.”

error: Content is protected !!