Connect with us

Business

Sa Kabila ng Nararanasang Pandemya, Judy Ann Santos “Grateful” Pa Rin Dahil Walang Nawalan ng Trabaho sa Negosyo Niyang Angrydobo

Nang magkaroon nga ng pandemya sa ating bansa [Pilipinas] ay marami sa mga negosyo ang sinubok. Ang ibang mga negosyante ay pinili na magsara na lamang dahil sa kawalan ng kita ngunit may iba na mas piniling ipagpatuloy ang kanilang negosyong nasimulan, hindi lang para sa panghihinayang sa negosyong naipundar kundi dahil na rin sa iniisip nila ang mga tauhan nila na mahihirapan kapag ang kanilang trabaho ay nawala pa.

Isa nga sa mga negosyanteng aktres na agad na humarap sa hamon ng pandemya ang itinayong negosyo ay si Judy Ann Santos-Agoncillo. At kamakailan nga lamang sa isang panayam sa kanya ng PEP.Ph, ay ibinahagi ng aktres, kung ano ang mga karanasan niya bilang isang restaurateur, na ayon nga kay Juday ay isa sa maituturing niyang “one unique ride.”

Credit: Google | Image

“Para sa mga bagong nagbukas ng negosyo, parang biglang feeling naming sampung taon na kami sa food industry na wala kaming kalam-alam dito”, ani ni Juday sa naging ekslusibong panayam sa kanya ng PEP noong ika-14 ng Hunyo taong 2021 via Zoom.

Ibinahagi nga ng 43-taong gulang na aktres na si Judy Ann, para sa kanya sila ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo ay parehong bago lamang na mga entrepreneurs na ang kakayahan ay agad nan gang sinubok ng krisis na dulot ng pandemya.

Matatandaan kasi na buwan ng Mayo taong 2019 lamang ng buksan ng mag-asawang Juday at Ryan ang “Angrydobo”, ang kanilang restaurant business na matatagpuan sa Taft Avenue, Manila. Bago matapos ang taong 2019, ay nagkaroon na sila ng isa pang branch at ito nga ay sa West Gate Mall sa Muntinlupa City.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Ilang buwan nga lamang matapos magbukas ng ikalawang restaurant ng mag-asawa, ay bigla na nga lamang lumubo ang kaso ng COVID-19 cases sa ating bansa, kaya naman dito na nagsimula ang pagsubok nila sa pamamalakad ng kanilang negosyo.

Ayon kay Juday ay napaka-grateful niya dahil sa kabila ng matinding pagsubok na dala ng pandemic ay naging katuwang nila sa pamamalakad ng kanilang negosyo ang kapatid ni Ryan na si Dondee Agoncillo at ang misis nitong si Maloo.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Dagdag pa ng aktres, sa pamamalakad nila ng negosyo siya ang nagiging abala sa mga industrial samantala, ang kanya namang mister na si Ryan ang punong abala pagdating sa marketing. Saad pa niya, talagang nagpapasalamat siya dahil nakabuo sila ng isang magandang team sa pamamalakad ng restaurant na tulong-tulong nga sa lahat.

Ibinahagi pa ni Juday, na ng magkaroon ng pandemya, ang isa sa mga “goal’ nila ay ang walang mawalan ng trabaho, isa mannsa kanyang mga “cast members” o staff sa kanyang restaurant.
Naibahagi rin ng aktres na mula ng magkaroon ng pandemya, ay hindi na nila nagawang magdiwang pa ng kanyang mga tauhan ng anibersaryo ng Angrydobo, kung saan ay nasa ikalawang taon na nga dapat ang anibersaryo nito na ipagdiriwang nila.

Ngunit ayon nga kay Juday, kahit na hindi nila naipagdiwang ang selebrasyon ng anibersaryo ng Angrydobo, ang tanging mahalaga daw ngayon at mas “great milestone” para sa kanya ay ang patuloy niyang nabibigyan ng trabaho ang kanyang mga empleyado.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Katulad ng ibang mga negosyo, ay sinabi rin ni Juday na sa panahon ng pandemya ay naranasan niya na makulangan ng tauhan, dahil ang iba nga sa kanyang mga cast members ay mas pinili na lamang na umuwi sa probinsya dahil sa takot sa COVID-19 at may iba naman na nag isip ng maoagkakakitaan ng hindi na kailanagan pang lumabas ng kanilang tahanan.

Dahil sa kakulangan ng tao ay naranasan umano ni Juday na mag-duty sa kanyang mga restaurants. Masaya naman umano si Juday sa mga naging desisyon ng kanyang mga empleyado na ngayon ay mas pinili na ang ibang mapagkakakitaan, ngunit nagpapasalamat naman ang Kapamilya actress sa lahat ng mga restaurant staff niya na hanggang ngayon ay oatuloy pa rin na nagtatrabaho sa kanya.

Ayon kay Juday, talaga namamag pinahahalagahan niya ang kanyang mga tauhan, at itinuturing na ngang pamilya ang mga ito. At para nga masigurado ang kaligatasan ng mga ito habang nagtatrabaho ay pino-providan umano nila ang mga ito ng PPE, facemask, faceshield at vitamins.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Linggo-linggo rin umano ay pinapa-swab test niya ang kanyang mga empleyado para masigurado na maayos ang kalusugan ng mga ito at hindi nga nahahawaan ng virus na kumakalat ngayon.
Proud naman si Juday sa kanyang team, dahil sa pagiging masunurin ng mga ito ay hindi sila nagkakaroon ng anumang problema.

Ngayon nga ay patuloy pa rin ang pagbubukas at pagbibigay ng masasarap na pagkain ng Angrydobo restaurant nj Judy Ann. At para hindi na nga sila mangarag kagaya nung una nilang naranasan, ay naisipan ni Juday na hatiin sa dalawang grupo ang kanyang mga staff, para halimbawa nga na may ma-infect sa isang grupo at maquarantine ang mga ito ay mayroon pa ring maaring mag-duty sa kanilang restaurant.

” We have our teams na magkahiwala, kung may isang na-expose sa positive patient, all of them are in quarantine. Another team will come in, so para iwas sa exposure nila sa isa’t isa.”

error: Content is protected !!