“Remember, it is never too late”, Sa Edad na 39, Aktres na si Jodi Sta. Maria Natupad na ang pangarap na Makapagtapos ng Kolehiyo at Magkamit ang Diploma

Nito lamang araw ng Miyerkules, ika-23 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ay minarkahan ng aktres na si Jodi Sta. Maria na isa sa kanyang matagal ng pinapangarap sa kanyang buhay ang ngayon nga ay kanya ng nakamtan, at ito nga ay ang makapagtapos siya ng kolehiyo at magkamit ng diploma.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Ang masayang pangyayari at tagumpay nga na ito sa buhay ni Jodi ay ibinahagi niya sa kanyang 2.8 milyon na mga followers, matapos niyang ibahagi ang larawan niya habang siya’y nakasuot ng toga.
Si Jodi ay nagtapos ng kursong B.S Psychology sa South Ville International School ang Colleges, at para nga sa kanya ay talagang napakalaking achievement ang pagtatapos niya na ito, dahil noon pa man ay pangarap na niya ang makakuha ng degree sa kolehiyo at magkaroon ng diploma na maipagmamalaki niya.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Makikita sa naging caption ni Jodi kung gaano niya pinasasalamatan ang lahat ng mga sumuporta sa kanya na mapagtagumpayan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng ito ay pinagsasabay niya sa pagtatrabaho niya bilang isang aktres.

Hindi rin naman kinalimutan ng aktres na magpasalamat sa Poong Maykapal, dahil sa alam niya na ito ang nagbigay sa kanya ng karunungan at kakayahan sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

“Success come to those who want it, and sometimes you have ask to yourself, ‘how much do I want this?’ I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfilment of that dream. After 4 long years, I am here graduating form college”, ang naging panimula ngang bungad ni Jodi sa naging caption ng kanyang larawan na nakasuot ng toga.
Dagdag pa niya, “In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say, ‘It can be done’. I knew that God was with me all throughout my college life ang kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful in His word.”

Binanggit nga rin ng aktres ang lahat ng taong nagpakita ng suporta sa pagtupad ng kanyang pangarap na ito.

“My teachers, my family, my management team, and my friends. Thank you for letting me reach my stars. To God all the glory, honor and praise”, ang naging pagbabahagi pa ni Jodi.

Nagbigay payo rin si Jodi para sa mga tao na patuloy na ngangarap na makamit ang mga pinapangarap nila sa buhay.

“Remember, it is never too late, and you never too old to reach your stars.”

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Bumuhos naman ang maraming pagbati para kay Jodi sa naging matagumpay nga niyang pagtupad sa pangarap niyang matapos ang kolehiyo at makakamit ng diploma.
Kabilang nga sa mga nagbigay ng “congratulatory message” kay Jodi ay ang aktor na si Raymart Santiago na sa kasalukyan nga ay romantically link sal kanya.

“Congratulations”, ang naging mensahe nga ng FPJ Ang Probinsyano star para sa aktres, na may nakalakip pang clapping hands at heart emojis.

Maging ang kaibigan ni Jodi na si Iwa Motto, na siya ring partner ngayon ng dating asawa ni Jodi na si Pampi Lacson ay nagpaabot rin ng kanyang labis na kasiyahan para sa tagumpay ng aktres sa kanyang pag-aaral.

“Congratulations Amor!!! We are all so proud of you!!! We love you!!!!”, mensahe ni Iwa.

Ilan pa nga sa mga personalidad sa showbiz na nagpahatid rin ng kanilang mensahe ng “congratulations” para kay Jodi ay sina, Gary Valenciano, Heart Evangelista, Julia Montes, Iza Valzado, John Prats,
Isabel Oli, Shaina Magdayao, Geneva Cruz, Sue Ramirez, Darren Espanto, Kira Balinger, Nikki Valdez at Dennnis Laurel.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Matatandaan na taong 2017 ibahagi ni Jodi sa publiko ang kanyang pagbabalik eskwela, dahil sa nais niyang magtapos ng kolehiyo, kung saan ay siya nga ay kumuha ng degree na Bachelor of Science in Psychology.

Sa mga nakaraang panayam sa aktres, ay naibahagi rin niya, na kapag natapos na niya undergraduate studies, ay plano niyang ituloy ito sa Master’s degree.
Samantala, may panibago namang proyekto si Jodi na gagawan sa pamunuan ng ABS-CBN network, at ito nga ay ang drama a “The Broken Marriage Vow”, ang magiging Philippine remake ng BBC Award-winning drama na “Doctor Foster.”