Ang pagbili ng mga mamahaling kagamitan kagaya ng kasuotan, bag at mga sapatos ay sadyang likas na sa ilang kilalang personalidad sa ating lipunan tulad ng mga artista. Ang iba sa kanila ay nagiging paraan ito para mabigyan ng regalo o reward ang sarili matapos ang kanilang mga proyekto sa show business.
Samantalang ang iba naman ay ginagawang libangan ang pangongolekta ng mga ‘designer items’ kagaya na lamang nina Anne Curtis, Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao.
Isa sa mga naging kolektor ng mamahaling sapatos ay ang tinaguriang ‘Song Bird’ ng Pilipinas na si Ms. Regine Velasquez. Kilala siya sa pagkakaroon ng kakaibang boses na talaga namang hinahangaan ng karamihan sa loob at labas ng bansa lalo na ng mga baguhang mang-aawit.
Sa kasalukuyan ay mayroon na rin siyang YouTube channel kung saan sa isang vlog nito ay ipinakita niya ang ‘walk-in closet’ nilang mag-asawa na si Ogie Alcasid kung saan nakatago rin ang koleksiyon niya ng mga mamahaling gamit.
Nagsisimula pa lang sa kaniyang karera bilang isang mang-aawit ay mahilig na talaga si Regine sa mga sapatos lalo na at madalas niyang itong gamitin sa mga sinasalihan niyang contests. Nang magkaroon nga ng magandang estado sa buhay ay hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon na makapagkolekta ng mamahaling sapatos na noon ay nakikita niya lang sa mga binabasang magazine.
Sa tuwing magkakaroon siya ng panahon na pumunta ng ibang bansa ay sinisiguro niyang uuwi siyang dala ang sapatos na gusto niya. Sa kaniyang vlog na pinamagatang ‘Closet Tour and My Shoe Collection” ay ibinahagi ni Regine kung papaano niya nakuha ang inaasam-asam na Louis Vuitton shoes.
“The story was I went to NY (New York) to find this particular shoes. I went to Louis Vuitton, yun yung pinakamalaking Louis Vuitton. I went so excited, kasi tour yun e, so I couldn’t wait to go to New York to get this shoes. And when I got there, nakita ko na, nandoon sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size,” ito ang pagbabahagi ng singer.
Ayon kay Regine, sinubukan niyang makiusap kung maari siyang makapagsukat ng sapatos ngunit hindi siya pinagbigyan kaya naman lumabas siya ng tindahan na hindi maganda ang pakiramdam.
“Na-discriminate agad ang lola niyo sa na-depress ako ng very, very light,” pag-amin ni Regine.
Dahil sa nangyari, naisipan ni Regine na pumunta sa katapat na tindahan para doon maghanap-hanap ng sapatos at magpalipas ng sama ng loob. Pagpasok niya doon, ay abala ang lahat at walang pumapansin sa kaniya. Mabuti nalang ay nilapitan siya ng isang lalaki na bantay rin sa Neiman Marcus at inasikaso siya sa mga gusto niyang isukat na sapatos.
Ayon sakaniya, nagpunta siya sa katapat ng Louis Vuitton at ito ay Neiman Marcus kung saan hindi raw ito inasikaso kaya naman sa kaniyang pagkadismaya ay bumili ito ng benteng sapatos dahil nastress siya sa pangyayari.
Sa kabila ng napakaraming sapatos na nabili ay hindi pa rin mawala sa isip ng singer ang natatanging sapatos na gusto niya sa Louis Vuitton kaya naman binalikan niya ito habang dala-dala ang mga benteng sapatos na pinamili mula sa Neiman Marcus. Laking gulat niya nang pansinin kaagad siya ng mga bantay doon at mabilis niyang nabili ang sapatos na noong una ay ipinagkait sa kaniya.
“Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito,” nakangiting sabi ni Regine.
Subalit sa pagbabahagi ni Regine sa kaniyang karanasan, maraming netizens ang umalma sa kaniyang post dahil sa kaniyang mga binili na kaya na daw pakainin ang isang libong mga bata sa lansangan. Samantala, marami naman na pinagtanggol ng aktres dahil ayon sa iba ay deserve naman nito ni Regine.