“Pinanindigan ko at hindi ko tinakbuhan ang responsibilidad ko”: Bugoy Cariño, Ibinahagi Kung Paano Nabago ang Buhay Niya ng Pagiging Isang Batang Ama

Marami ang nagulat nang ibunyag noong September 3, 2020 sa publiko ng teen star na si Bugoy Cariño ang kanyang pagiging isang ganap na ama sa edad na 18 sa kanyang dalawang taong gulang na anak na si Scarlet. Si Scarlet ay anak ng batang aktor sa kanyang longtime girlfriend na si EJ Laure.

Photo credits: Bugoy | IG

Sa murang edad ay hindi naging madali ang pinagdaanan ni Bugoy, bilang isang batang ama. Ngunit, sa kabila nito ay hindi naman naging hadlang sa kanya ang kanyang edad, para gampanan ang kanyang responsibildad bilang isang mabuting ama sa kanyang anak.

Photo credits: Bugoy | IG

At nito lamang ika-20 ng Hunyo, araw ng Linggo, kung saan ipinagdiwang ang Father’s day, ay isa nga si Bugoy sa mga ama ng tahanan na binigyang pugay. At pinatunayan rin ni Bugoy, na malaki ang nabago sa kanyang buhay magmula nang dumating si Baby Scarlet.

Photo credits: Bugoy | IG

Sa kanyang Instagram, ay ipinahayag nga ni Bugoy kung paanong nabago ang kanyang buhay ng kanyang anak na si Scarlet na malapit ng sumapit ang ika-tatlong taong kaarawan ngayong taon.

Ayon nga kay Bugoy, ay marami siyang pagsubok na pinagdaanan bago pa man siya maging isang ganap na ama. Isa na nga rito makatanggap ng mga masasakit na salita mula sa ibang tao dahil nga sa kanyang pagiging isang batang ama. Ngunit, nang dumating nga si Baby Scarlet ay hindi na mahalaga para sa teen star ang sasahihin ng ibang tao. At bilang isang ama, ay naging madiskarte siya sa buhay, naging maunawain at higit sa lahat ay naging matatag siya sa anumang pagsubok.

“Nung naging daddy ako, nagbago ang ikot ng buhay ko. Naging madiskarte ako, naging kuripot, naging mauunawain at naging mas matatag. Madami akong pinagdaanan na pagsubok bago ako maging isang ganap na daddy, pero nung lumabas si ‘SCARLET,’ lahat ng problema lahat ng sakit na sinasabi ng ibang tao, lahat yun nawala.”

Photo credits: Bugoy | IG

Samantala, sa kabila naman ng hirap ng pagiging isang batang ama ay proud namang sinabi ni Bugoy sa kanyang post na kahit isa siyang batang ama, ay pinanindigan at hindi niya tinakbuhan ang kanyang responsibilidad.

“Mahirap maging batang ama pero gusto ko sabihin at ipagmalaki na proud ako kasi pinanindigan ko at hindi ko tinakbuhan ang responsibilidad ko.”

Mababakas rin sa nilalaman ng post ni Bugoy, kung gaano niya kamahal ang kanyang anak at kanyang pamilya. Dagdag pa nga nito, ay hindi siya mag-aatubiling gawin ang abot ng kanyang makakaya para mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya.

“Kaya para sa anak ko at pamilya ko gagawin ko ang lahat maging maganda lang ang buhay natin. Mahal na mahal kita BABY SCARLET! @iamscarletcarino”

Sa huli, ay binigyang pugay rin ni Bugoy ang mga tulad niyang ama ng tahanan, sa kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.

“SA MGA DADDY’S NA NAGSASAKRIPISYO PARA SA PAMILYA AT ANAK NILA, MABUHAY PO KAYONG LAHAT! HAPPY FATHER’S DAY!”

At para sa pagdiriwang ng Father’s day, ay nakatanggap rin ng isang sweet na mensahe si Bugoy mula sa kanyang long-time partner na si EJ, 23 taong gulang na isang volleyball player. Sa kanyang post, ay ibinahagi ni EJ ang larawan kung saan magkasama sila ni Bugoy. Ito na ang pangatlong beses, na ipinagdiwang ni Bugoy ang Father’s day kapiling ang kanyang pamilya.

Photo credits: Bugoy | IG

“Happy father’s day mahal @iambugoycarino03 thank you sa lahat! Mahal na mahal ka namin ni @iamscarletcarino na makulet [emoji] nandito lang kami nakasupport sa mga desisyon mo, positive vibes lang parati! Iloveyou”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *