Philmar Alipayo, Ibinahagi ang Larawan ng Anak Niyang Si Lilo na Tila Matapang na Tumayong Mag-Isa sa Surfing Board

Hindi nga naman nakakagulat kung isa sa mga anak ng mag-fiancee na sina Andi Eigenman at Philmar Alipayo ay maging isang mahusay na surfer sa hinaharap. Ito nga ay dahil isa sa kanilang anak ang ngayon, kahit nasa murang edad pa lamang ay kinakikitaan na ng pagkahilig sa pagtampisaw sa dagat at pagsakay sa surfing board, at ito nga ay ang panganay nilang anak na si Lilo.

Credit: Philmar Alipayo | Instagram

Napakarami na ngang beses na ipinakita nina Andi at Philmar ang pagkahilig ng kanilang panganay na anak na si Lilo sa pagtampisaw sa dagat, kung saan madalas nga itong kasa-kasama ng kanyang amang si Philmar na sumasakay ng surfing board kahit nung ito ay wala pang isang taong gulang.

Samantala, nito nga lamang nakaraan, sa Instagram account ni Philmar at muli siyang nagbahagi ng video ng anak niyang si Lilo na ngayon nga ay malapit na ring magdalawang taong gulang. Sa nasabing video na ito, ay ipinakita ni Philmar kung gaano katapang at tila walang katakot-takot ang panganay na anak na tumayong mag-isa sa surfing board habang sila nga ay nasa karagatan.

Credit: Philmar Alipayo | Instagram

Makikita naman sa video na sa palibot nila ay naroon ang iba pang mga surfers na na nagtsi-cheers kay Lilo, at napa-wow nga ang mga ito ng matagumpay na magawa nito na tumayo ng mag-isa sa surfing board.
Sa caption naman na inilakip ni Philmar ay inihayag niya kung gaano siya ka-proud sa panganay na anak, dahil sa murang edad nga nito ay nagpakita na ito agad ng katapangan at katatagan.

“So proud of you my brave little girl @liloislandgirl already standing up on her own.”

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na si Lilo ay ang panganay na anak nina Andi Eigenman at Philmar Alipayo. Si Andi ay isa sa mga sikat na aktres noon sa showbiz, ngunit ngayon ay tahimik at masaya itong namumuhay sa Isla ng Siargao kasama ang kanyang fiancée na si Philmar matapos niyang iwan ang kanyang karera sa showbiz.

Sa ngayon nga ay mayroon ng dalawang anak sina Andi at Philmar, dahil kamakailan lamang ay isinilang n ani Andi ang ikalawang anak nila at ito nga ay si Baby Koa. Maliban naman sa dalawang anak nila na si Lilo at Baby Koa, ay mas isa pang anak si Andi at ito nga ay ang panganay niyang anak na si Ellie, na ang ama ay ang dati niyang kasintahan na si Jake Ejercito.