Connect with us

Entertainment

“Perfect Gift for a Perfect Dad” Aktres na Si Angel Locsin, Binilhan ng Massage Chair ang Kanyang Daddy na 94 Anyos

Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang nating lahat ang espesyal na araw para sa pagpupugay ng sakripisyo ng isang ama para sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga anak. At sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ng isang ama, ay marami sa mga haligi ng tahanan o padre de pamilya ang nakatanggap ng mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na sa kanilang mga anak. At ang iba pa nga ay nakatanggap ng regalo mula kanilang mga anak bilang pasasalamat ng mga ito sa lahat ng pagmamahal at sakripisyo na ginagawa nila para sa kanilang pamilya.

Credit: Angel Locsin | Instagram

Siyempre hindi rin naman nagpahuli ang aktres na si Angel Locsin sa pagbati at pagpapasaya sa kanyang ama sa espesyal na araw para sa mga tatay. Batid naman ng marami sa atin kung gaano kamahal ng aktes na si Angel Locsin ang kanyang Daddy na para nga sa kanya ay isang ‘perfect dad’.

At kung perfect dad para kay Angel ang kanyang Daddy ay isang ‘perfect gift’ rin ang dapat na matanggap nito, at ‘yon nga ang mismong ibinigay ng aktres sa kanyang pinakamamahal na ama.

Sa mismong araw nga ng Father’s Day ibinahagi ni Angel sa kanyang social media account ang espesyal na bagay na regalo niya sa kanyang ama para sa lahat ng naging pagmamahal at pagsuporta nito sa kanya.

Isang massage chair ang napiling iregalo ni Angel sa kanyang Daddy, at kung bakit ito ang kanyang napili, base na rin sa naging caption ng aktres, ay tila nga hindi na trip ng kanyang ama ang masahe niya kaya naman para mas ma-relaks ito ay ang massage chair na lamang ang naisip niyang iregalo sa ama.

Credit: Angel Locsin | Instagram

Kitang kita naman sa larawan na ibinahagi ni Angel na talagang nasiyahan at inenjoy na ng kanyang Daddy ang regalo niyang massage chair, kung saan masisilayan ang mga ngiti sa labi ng kanyang daddy habang ito ay tila nakahiga na sa massage chair na regalo niya.

Kalakip nga ng larawan na ito ay ang caption ni Angel kung saan ay sinabi nga niya na tila hindi na trip ni Daddy niya ang masahe niya, kaya naman naisipan na niya ito bilhan ng kumportable na massage chair. Pinasalamatan din ng aktres ang online store na pinagbilhan niya ng itinuturing niyang perfect gift niya para sa kanyang ama. Binati at binigyang pugay rin ni Angel ang lahat ng mga ama.

Credit: Angel Locsin | Instagram

“Perfect gift for the perfect dad ”
“Alam kong hindi na siya nasasarapan sa massage ko kaya naman binili ko na lang siya ng massage chair.
“Thanks @pierophilippines sa pagpupuno ng aking pagkukulang”
“Happy Father’s Day to all the dads![red heart emoji]”

error: Content is protected !!