Connect with us

Entertainment

Padre De Pamilya na May 39 Asawa at 94 anak at Tinaguriang “Head of World’s Largest Family” Pumanaw na

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lalaki na nakabuo ng isang napalaking pamilya na binubuo ng 39 na asawa at 94 na mga anak. Marahil ay hindi ito kapani-paniwala sa dami ng kanyang asawa at mga anak, ngunit ito ay totoong nangyari sa India. At kamakailan lamang nga, ang tinaguriang head ng world’s largest family na si Ziona Chana ay pumanaw na sa edad na 76, ayon sa opisyal ng kanilang bayan sa north east India.

Ayon kay Zoramthanga, chief minister ng bayan ng Mizoram, si Ziona Chana ang pinuno ng local Christian sect na Chana na nagpapahintulot sa polygamy, ay pumanaw na noong araw ng Linggo, ika-13 ng Hunyo.

Photo credits: google.com

Ayon sa ulat ng local media, ang pamilya ni Ziona ang may pinakamaraming miyembro sa buong mundo. At ang bilang nga ng kanyang nabuong pamilya, kasama siya ay umabot ng 167 katao o miyembro. At ang napalaking bilang na ito ay binubuo ng kanyang 34 na asawa, 94 na mga anak at 33 na mga apo.

Photo credits: google.com

Samantala, kahit napakadami ng miyembro ng kanyang pamilya ay hindi naman hinayaan ni Ziona na magkahiwalay sila. Dahil sa katunayan nito, ay sama-sama silang namumuhay at naninirahan sa Baktawng, isang remote village sa Mizoram sa isang napakalaki at napakalawak na may 4 palapag na gusali na kulay pink kung saan ito ay may 100 na kwarto.

Photo credits: google.com

Taong 1942 nang itatag ng ama ni Ziona ang sektang Chana. Hanggang siya na nga ang nagtuloy at naging pinuno nito. Ang unang asawa ni Ziona ay pinakasalan niya noong siya’y 17 taong gulang pa lamang. At sa loob lamang ng isang taon ay nakapag-asawa siya ng 10 babae, bagay na labis niyang ipinagmalaki.

Photo credits: google.com

Samantala, ayon naman sa local media, ang mga misis ni Ziona ay nakatira sa isang dormitoryo. Ito nga ay dahil nais ni Ziona na may katabi siyang hindi bababa sa 8 sa kanila. Hindi naman nakapagtataka kung bakit agad na dumami ang kanyang mga anak bago siya pumanaw.

Photo credits: google.com

Sa larawang ibinahagi sa social media na kuha ng Reuters noong 2011, ay makikita na halos magkakaedad pa ang kanyang mga anak at masisilayan nga ang kanyang napakalaking pamilya. Ayon naman kay Ziona sa panayam ng Reuters noong 2011, ay sinabi niya na nais niyang palakihin ang kanyang pamilya para mas marami siyang taong aalagaan, at itinuturing niyang mapalad ang kanyang sarili.

“I am ready to expand my family and willing to go to any extent to marry… I have so many people to care for and look after, and I consider myself a lucky man.”

Hindi naman nabigo si Ziona, dahil bago siya pumanaw ay naisakatuparan at naitaguyod niya ang kanyang napakalaking pamilya. At siya nga ang tinaguriang head of world’s largest family.

error: Content is protected !!