Nabighani ang mga netizens sa kagandahang taglay ng anak ni Donna Cruz

Marami na tayong naitampok na mga anak ng ating mga iniidolo na mga celebrity dahil sa kanilang mga taglay na galing sa iba’t-ibang larangan at dahil din sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan na namana nila sa kanilang mga magulang.

Ang mga anak ng mga celebrity na ito ay atin ding binabantayan kung ang mga ito ba ay may balak pumasok sa mundo ng showbiz upang sundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

Tulad ng kanilang mga magulang tayo ay nasasabik na makita sila sa harap ng ating telebisyon upang masilayan ang kanilang kagalingan at makita ang mga bagong henerasyon na ating aabangan.

Tulad na lamang ng anak ng kilalang singer, artista at entertainer na si Donna Cruz na bumihag sa mga puso ng netizens.
Unang sumikat at nakilala ang pangalan ni Donna Cruz noong dekada 90 dahil sa kanyang taglay na kagandahan, galing sa pag-arte at pagkanta.

Simula noon at magpahanggang ngayon ay nakatatak pa din sa ating mga puso at isipan ang celebrity na ito. Tulad din ng ibang artista ay dumating din sa isang punto na hindi na masyadong aktibo ito pagdating sa showbiz.

Gayunpaman si Donna Cruz ay aktibong nagbabahagi ng mga kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang social media account at hindi pa din matawaran ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta niya.

Tulad din ng ibang artista ay mayroon din siyang anak na sa ngayon ay umaani ng iba’t ibang papuri dahil umano sa kagandahan. Marami sa mga netizens ang nagsasabi na ang anak ni Donna Cruz ay kamukha niya noong siya ay unang sabak pa lamang sa showbiz.

Ang pangalan ng anak ni Donna Cruz na umaani ng atensyon ng mga tao ay si Belle na ipinanganak noong 1999. Maraming mga netizens ang nakasaksi sa paglaki ni Belle na kung saan parang kailan lang umano ay nagdiwang ito ng kanyang ika-18 na kaarawan. Maliban sa kanyang kagandahan ay nakatapos na din ito ng kolehiyo at sinasabi na si Belle ay isang masipag, mapagmahal at matalinong tao.