“Naalala ko na Sobra kong Ewan” Vina Morales, Inamin na Minsang Naging “Crazy Inlove” sa Kanyang Dating Nobyo na si Robin Padilla sa Kanilang Relasyon Noon

Punong-puno ng kontrobersya ang mundo ng showbiz lalo na pagdating sa buhay pag-ibig ng mga artista. Marami na nga tayong nasaksihang pag-ibig na umusbong mula sa pagkakaibigan, at mayroon rin namang mula sa reel to real relationship. Sila nga ang mga celebrity couple na naghahatid ng kilig sa atin on screen kung saan ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa totoong buhay.

Photo credits: google.com

At isa sa hindi makakalimutang tambalan sa telebisyon at pelikula noong dekada 90 ay ang nakakakilig na tambalan ng aktres na si Vina Morales at Robin Padilla. Nabihag nga ng karisma ni Robin at napatibok ang puso ni Vina nang magkasama sila noong 1991 sa pelikulang “Ang Utol Kong Hoodlum”.

Photo credits: google.com

At nang gawin ng dalawa ang pelikulang Miss Na Miss Kita (Utol Kong Hoodlum II), ay dito na nga ipinahayag ng dalawa ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Naging masaya at napuno ng kilig ang pagmamahalan ng reel to real life couple. Pag-amin naman ni Vina, ay si Robin ang kanyang kauna-unahang boyfriend.

Photo credits: google.com

Matatandaan naman sa isang panayam ng kanyang musical movie na “Damaso”, nang magbalik tanaw si Vina sa naging relasyon nila noon ni Robin. At dito nga, ay inamin ng singer-actress na minsang siyang naging “crazy in love” sa kanyang ex-boyfriend. Dahil sa kanyang labis na pagmamahal kay Robin noon, ay madalas umano silang magkatampuhan ng kanyang mga magulang dahil sa matinding pagtutol ng mga ito sa kanilang relasyon.

Photo credits: google.com

Kwento nga ni Vina, sa sobrang pagkabaliw niya sa pag-iibigan nila noon ni Robin, ay walang nagawa ang kanyang mga magulang noong 18th birthday niya para maging escort niya si Robin.

“Very clear to me, medyo matagal na—yung first boyfriend ko na si Robin [Padilla].Yun ang naalala ko na sobra kong ewan. Yung daddy ko, e, wala nang magawa sa akin. Si Mama Mina [the late Mina Aragon], e, walang nagawa noong 18th birthday ko.”

Photo credits: google.com

“Dapat may iba akong escort, e, that time, hindi ako tinantanan ni Robin kaya siya ang naging escort ko sa 18th birthday ko sa party ko.”

Isa naman sa dahilan kung bakit hindi boto ang mga magulang ni Vina kay Robin para maging kasintahan ng kanilang anak ay ang reputasyon nito sa pagiging babaero, na hindi naman maikakaila na marami talagang babaeng nahuhumaling noon sa kanya dahil sa gwapo at husay nito sa pag-arte bilang action star.

“Oh my God! Kasi, noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa. Yun ang peak ni Robin, di ba? Parang lahat yata, na-in love sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon!”

Matagal na ring natapos ang anumang namagitan sa kanila, kaya naman nang muling magkasama sa pelikula noong 2014, ay natatawa na lamang si Vina kapag naaalala ang naganap sa nakaraan. Muli silang nagkasama noong 2014 sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo para sa Metro Manila Film Festival entry. Sa nasabing pelikula ay gumanap si Robin bilang Andres Bonifacio, at si Vina naman bilang pangalawang asawa ng bayani ng rebolusyon sa karakter ni Gregoria de Jesus.

Photo credits: google.com

At noong 2019 naman ng mabilang si Vina sa isang musical movie na Damaso kung saan gumanap siya ng karakter bilang Sisa. Si Padre Damaso at ang baliw na si Sisa ay mga karakter sa nobelang Noli Me Tangere ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *