“My net revenues amount to about PHP 120 million a month”: Chavit Singson, Ibinunyag sa Publiko Kung Gaano Siya Kayaman

Isa nga sa itinuturing na pinakamayamang personalidad sa bansang Pilipinas ay ang politician at business tycoon na si Luis Crisologo Singson o kilala ng lahat bilang si Chavit Singson.

Si Chavit Singson ay 78 taong gulang na isang matagumpay na negosyante na nagmamay-ari ng maraming multi-million businesses dahilan nga ng kanyang angking kayamanan. Maliban rito, ay isa rin siyang kilalang politiko na talaga namang namamayagpag sa kanyang karera.

Photo credits: google.com

Naging Gobernador siya ng Ilocos sa loob ng tatlong dekada, naging congressman at Deputy National Security Adviser for the Philippine government noong 2008. Tumakbo naman siya bilang Senador ng bansa noong 2007 ngunit siya ay nabigo. At noong 2019, ay naluklok naman siya sa pwesto bilang Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur.

Photo credits: google.com

Wala ngang duda kung bakit isa siya sa pinakamayamang personalidad sa Pilipinas. Ngunit, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung gaano kayaman si Chavit at nais ring malaman kung magkano ang kanyang net worth. Ayon nga sa Celeb Trend News, si Chavit Singson ay may net worth noong 2019 na tinatayang $17 Million.

Photo credits: google.com

Sa isang panayam ay ibinunyag naman ni Chavit ang kanyang net revenue. At talaga namang taglay niya ang nakakalulang kayamanan.

“My net revenues amount to about PHP 120 million a month. There are a lot (of companies). I have many businesses that earn millions. The construction (business) I make billions; the transportation (business), I’m netting around PHP 100 million a month; I’ve earned PHP 1 billion from that in previous years, just for transportation.”

Photo credits: google.com

Naitanong rin sa politician kung ilang malalaking kompanya ang kanyang pagmamay-ari. Sagot nga ni Chavit, ay marami siyang kompanya, at aabot ito ng 100 kung saan ang ilan ay hindi umano nakapangalan sa kanya.

Isa nga sa kanyang mga properties na nasa kanyang pangalan ay ang Baluarte na may napakalawak na sukat na 80 hectares na matatagpuan sa Ilocos Sur. Ito ay isang interactive wildlife sanctuary na nagsisilbing tourist attraction ng Pilipinas.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Maliban sa Baluarte, ilan pa sa kanyang pag-aaring korporasyon ay Blemp Commercial of the Philippines, Inc., Partas Transportation, Chavit Tree Project Corporation, Clark Luis Retail, Hallohallo Skylark Lending Corporation, Platinum Skies Aviation, Satrap Mining Corporation, Satrap Power Corporation, at White Lion Media Production Inc.

Samantala, nabanggit naman ni Chavit ang ilan sa kanyang mga bagong ventures tulad na lamang ng commercial airlines na parehong may domestic at internation route. May sarili rin siyang bangko sa Puerto Rico na pinangalanang Vigan Banco International na ngayon ay may mga branches na rin sa Los Angeles, California at Mexico. Maging ang Go Sport, na isa sa pinakamalaking sporting goods sa Europe.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Bilang Chairman naman ng LCS Group of Companies, ay siya nga ang nasa likod ng matagumpay na muling ganapin sa Pilipinas ang Miss Universe pageant noong 2016. Ito ang pangatlong pagkakataon nag-host ang Pilipinas ng nasabing international pageant matapos noong taong 1974 at 1994.

Photo credits: google.com

Dahil nga, sa kanyang nakakabilib na kayamanan ay naging sentro siya ng atensyon, lalo na nga’t nagawa niyang gumastos ng ilang milyon para lamang ganapin ang Miss Universe sa bansa. Sinagot rin ni Chavit ang gastos sa production, accomodation, transportation at maging mga pagkain ng MUO officials at candidates.

Photo credits: google.com

Isa naman sa umagaw ng atensyon ng publiko ay nang ipagamit niya rin sa Miss Universe candicates ang kanyang nabiling yate na M/Y Happy Life nagkakahalaga ng daan milyong piso. Ipinasyal niya sakay ng kanyang yate ang mga kandidata mula sa Manila hanggang Batangas sa isa sa mga pre-pageant event. Mas lalo namang naenjoy ng mga kandidata ang magandang tanawin ng bansa, sakay ng mamahaling yate ni Chavit na may 5 floors, 16 rooms kung saan ang ilan ay may sariling jacuzzi hot tub at karaore room.

Photo credits: google.com

Tunay nga na kahanga-hanga ang taglay na kayamanan ni Chavit. Sa kabila naman nito, ay ilang ulit na nasangkot ang kanyang pangalan sa kontrobersya lalo na sa politika. Ngunit, nilinaw naman ni Chavit na ang kanyang yaman ay mula sa malinis na paraan at talagang pinaghirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *