Masayang ibinalita ng singer na si Ronnie Liang na natupad na niya ang kanyang pangarap mula sa kanyang pagkabata. Ito nga ay matapos matanggap ang kanyang pinakainaasam na lisensya para maging isang ganap na piloto.
Ang childhood dream ni Ronnie ay nabigyang katuparan kamakailan, at kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account nito lamang ika-27 ng Mayo, araw ng Huwebes. Natanggap na nga si Ronie ang kanyang private pilot license matapos matagumpay na maipasa ang theoritical examination.
Ang kanyang pagsisikap nga, matapos ang ilang gabing walang tulog dahil sa pag-aaral at araw na puno ng training sa pagpapalipad, ngayon nga ay nagbunga na ito.
“Finally, I’ve gotten my license as a Pilot (PPL) after countless sleepless nights of studying and a multitude of flying hours of training.”
Ibinahagi rin ni Ronnie na ang pangarap na maging isang licensed pilot, ay pinapangarap na niya magmula pa noong maliit na bata pa lamang siya. At ngayon nga, ay masayang-masaya siya dahil naisakatuparan na niya ang kanyang childhood dream.
“My childhood dream when I was in 4th grade has now materialized. I went confidently in the direction of my dreams and now it’s here – it’s a reality.”
Samantala, nagpasalamat naman si Ronnie sa APG International Aviation Academy family na tumulong sa kanya na matupad ang pangarap na maging isang lisensyadong piloto.
“I would like to thank my APG International Aviation Academy Family for helping me in achieving my dream of becoming a pilot.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng pagbati sa nakamit na tagumpay ni Ronnie.
“Congratulations, Sir Ronnie! You’re such a great inspiration to many! Good job!”
“Congratulations idol Keep Safe po palagi. God bless.”
Samantala, bago pa man makamit ni Ronnie ang kanyang license para maging isang ganap na piloto, matatandaan na noong 2019, ay ibinahagi ni Ronnie na matagumpay niyang natapos ang kanyang solo pilot ceremony bago tuluyang sumailalim sa training ng APG International Aviation Academy.
Si Ronnie Liang ay isang sikat na singer sa bansa kung saan ay una siyang nakilala matapos mapabilang sa finalist ng reality talent search na Pinoy Dream Academy. Siya ang itinanghal na second runner up sa kompetisyon, kasunod ni Jay-R Siaboc at grand star dreamer na si Yeng Constantino. Si Ronnie Liang ang nagpasikat ng kantang “Ngiti”.