Mga Netizens, Inalala ang Gwapo at Mahusay na Aktor na si Miguel Rodriguez ang ‘Tinaguriang ‘Christopher Revee ng Pinas’

Marami sa mga sikat na artista sa showbiz ang talagang hinahangaan natin dahil sa kanilang magandang katangian at husay sa pag-arte. Ang ilan nga sa kanila, bagama’t wala na sa industriya, at tuluyan na ngang pumanaw ay talagang tumatak sa ating puso’t isipan ang bakas na kanilang iniwan.

Tila nga hindi nawawala sa alaala ng marami ang imahe, at bakas na iniwan ng sikat na aktor noong dekada 80 hanggang 90 na si Miguel Rodriguez na tinagurian sa showbiz bilang ‘Christopher Reeve ng Pinas’. At kamakailan nga, ay muli inalala ng mga netizens ang gwapo at mahusay na aktor.

Photo credits: google.com

Kamakailan lamang sa Facebook page ng Memories of Old Manila, ay isang netizen ang nagbahagi ng poster ni Miguel Rodriguez kasama si Megastar Sharon Cuneta. Agad na napukaw ang atensiyon ng mga netizens matapos masilayan ang poster ng dalawa. Tila nga napa-throwback ang mga netizens, at talagang binalikan ang pagiging mahusay na aktor sa mga nagawa nitong proyekto, kabilang na nga rito ang pinagsamahang proyekto nila ni Sharon.

Photo credits: google.com

Matatandaan na nagkasama sina Miguel at Sharon sa pelikulang “To Love Again” na sumikat at tinangkilik ng madla noong 1983. Ilang netizens nga ang agad na naalala ang nakakakilig na tambalan nina Miguel at Sharon sa ginawa nilang pelikula at nag-iwan ang mga ito ng komento sa nasabing post.

Komento ng isang miyembro na nagngangalang Jayem Aseret “Love that movie, To Love Again”.

“Miguel Rodriguez and Sharon Cuneta sa ‘To Love Again’. Yan yung time na nag-bloom ang kagandahan ni Sharon”, saad naman ni Merceditas Che Lacson Ret.

Photo credits: google.com

Samantala, sa nasabing caption naman ng post ng nagbahaging netizen na si Jay Domingo Ramos sa Facebook group, ay nagbigay siya ng ilang detalye tungkol kay Miguel.

“November 23, 1961 to February 14, 1997. He was a Filipino actor and model. He got his start in showbusiness when he was discovered by Lino Brocka, who cast him in Close Up commercial in 1981”.

Photo credits: google.com

Namayagpag ang karera ni Miguel sa showbiz noon kung saan ay talagang ipinamalas ang kanyang husay. Nakilala siya sa sitcom na “Palibhasa Lalake”. Ilan naman sa mga pelikulang kanyang ginampanan ay “Bir Mammud: Alyas Boy Muslim noong 1989, “Hindi Kita Iiwanang Buhay: Kapitan Paile” noong 1990 at “Hanggang Kailan ka Papatay” noong 1990.

Photo credits: google.com

Sa kabila ng matagumpay na karera ni Miguel, ay nagretiro siya sa larangan matapos gawin ang pelikulang “Huwag Mong Isuko ang Laban”.

Hindi naman lubos akalain ng marami na agad palang matutuldukan ang buhay ni Miguel sa napakabatang edad na 35. At noong 1997 ay binawian ng buhay si Miguel dahil sa pancreatitis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *