Meryll Soriano, Ipinasilip ang Napakagandang Private Resort ng Kanyang Amang si Willie Revillame sa Puerto Galera

Sa espesyal na pagdiriwang ng Father’s day noong June 21, upang bigyang pugay ang masisipag at magigiting na ama ng ating mga tahanan, ay isa ang aktres na si Meryll Soriano sa nagpakita ng pagmamahal sa kanyang amang si Willie Revillame.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Espesyal ang vlog na ibinahagi ni Meryll sa kanyang Youtube Channel nito lamang ika-27 ng Hunyo. Ito nga ay dahil kasama niya ang kanyang amang si Willie Revillame sa pagdiriwang ng Father’s day. At ang masaya nilang pagdiriwang ng Father’s day ay naganap sa napakagandang private resort ni Willie sa Puerto Galera.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Mas lalo namang pinasaya ang espesyal na araw na ito para kay Willie, dahil maliban sa kanyang panganay na anak na si Meryll Soriano, ay kasama pa niya ang kanyang dalawang anak na sina Juamee at Marimonte pati narin ang kanyang dalawang apo kay Meryll na si Elija na anak nito kay Bernard Palanca at anim na buwang gulang na baby na anak naman nito kay Joem Bascon.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Makikita ang masaya nilang bonding sa resort ng kanilang ama. At makikita naman na sadyang napakaganda ang taglay na tanawing masisilayan sa resort na hatid ng malawak at bughaw na karagatan. Tiyak nga na makakapagrelaks rito ang sinumang magbabakasyon. Makikita naman si Willie na enjoy na enjoy sa piling ng kanyang mga anak, at karga-karga rin ang baby ni Meryll.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Samantala, dahil nga espesyal ang araw na ito para sa kanilang ama, ay ibinahagi naman ng magkakapatid ang kanilang nagsisilbing bonding kapiling ang kanilang ama na si Willie. Masaya naman ang magkakapatid na kahit na malalayo ang kanilang pinagmulang lugar, kung saan si Juamee sa Muntinlupa, si Marimonte ay sa Baguio, ay nagkasama-sama parin sila. Makikita naman na kahit magkakaiba ang kanilang mga ina, ay malapit naman sila sa isa’t isa.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Mapapansin naman na hindi nalalayo ang edad ng panganay na anak ni Meryll na si Elijah sa kanyang mga kapatid na sina Juamee, 15 taong gulang at Marimonte, 18 taong gulang. Si Elijah ay isinilang ni Meryll noong Agosto 2007, at malapit nang sumapit ang ika-14 taong kaarawan.

Maliban sa mabilisang pasilip sa bahay at resort ng kanyang ama na mula sa sipag at tiyaga nito sa trabaho, ay ipinasilip rin ni Meryll ang yate ng kanyang ama kung saan ay paboritong lugar ng kanyang ama at madalas umanong nag-iisip rito.

Photo credits: Meryl Soriano | Youtube

Si Meryll ay anak ni Willie sa kapatid ng aktres na si Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano. Samantala, ikinasal naman si Meryll noong 2006 sa ama ni Elijah na si Bernard Palanca ngunit nauwi ito sa hiwalayan noong 2015. At nitong Enero 2021 lamang, ay ginulat ni Meryll ang publiko matapos ianunsiyo na may anak na sila ni Joem Bascon.

Father's Day Special with my Tatay- Willie Revillame (plus Puerto Galera House Tour) Part 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *