“Medyo may pagkamayaman kami dati sa Gen San”: Melai Cantiveros, Nagkwento na May Kaya sa Buhay Ang Kanyang Pamilya Noong Bata Pa Lamang Siya

Ang aktres at TV Host na si Melai Cantiveros ay nakipagsapalaran sa industriya ng showbiz hindi lamang para ipakita ang kanyang kakayahan at talento kundi upang mabago rin ang buhay ng kanilang pamilya. Nagbunga naman ang pagsisikap ni Melai dahil noong 2009 ay siya ang itinanghal na Grand Winner ng reality talent show na Pinoy Big Brother:Double Up sa ABS-CBN.




At ngayon nga, ay masasabi na talagang masagana na ang pamumuhay ng pamilya ni Melai. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami bago pa man niya pasukin ang mundo ng showbiz, ay dating mayaman ang pamilya ni Melai.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Sa panayam ng TV host na si Toni Gonzaga kay Melai na mapapanood sa YouTube Channel ni Toni, ay nagkwento ang PBB Grand Winner tungkol sa kanyang kabataan. At isa sa mga naikwento Melai ay ang buhay na meron ang kanyang pamilya noon.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Ayon nga kay Melai, ay may marangyang pamumuhay ang kanilang pamilya noon sa General Santos City.




Kwento ni Melai, ang kanilang pamilya ay may sariling bangka kung saan sila ang nag-susupply ng tuna sa Japan.

“Medyo may pagkamayaman talaga kami ate Tons… Kasi mayaman ka sa Gen San kapag may bangka ka. Hindi ‘yung bangka na maliit, ‘yung bangka na malaki, ‘yun talaga ang pinapadala sa laot. Three months ‘yung nandon para kumuha ng tuna, ‘yung tuna na pinapadala sa Japan. So may pagkamayaman kami dati.”

Ito ang nagsisilbing kabuhayan ng kanilang pamilya na dahilan nga ng marangya nilang buhay. Ngunit, isang insidente ang hindi nila inaasahan na makapagpapabago ng kanilang buhay. Ito nga ay matapos umanong mahuli ng Indonesian authorities ang bangka ng kanilang pamilya dahil sa paglagpas umano sa boundary.

“Dapat may boundary ‘yung mapangisdaan don sa Gen San. Lumagpas sa boundary ng Indonesia, konting lagpas lang sa boundary [dahil] don nag-swim ang tuna, pagkuha ng tuna don pinarata agad ng mga taga Indonesia, hinuli agad sila at dinala sa Indonesia. Ang tatay ko ang parang head, hinuli ‘yung mga tauhan niya. Pagdating don sinira ang bangka namin.”

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Dahil nga sa pagkawala ng kanilang bangka ay natigil ang operasyon ng kanilang negosyo, at tuluyan silang nawalan ng kabuhayan. Dahil sa nangyari ay na-stress umano ang kanyang ama. Idagdag pa nga rito na sagot rin ng kanyang ama ang mga tauhan na na-hold sa Indonesia . Sa loob nga ng dalawang taon ay mga magulang umano ni Melai ang nagpakain sa mga tauhan.

“Ang papa ko sobrang stress non, sinira ang bangka niya na pinaghirapan niya, half million ang binayad don eh.”

“Mga two years pa bago makauwi [‘yung mga tauhan], so in two years, si mama at si papa ang nagpakain ng bigas sa mga tauhan ng pamilya. Sobra talaga, ‘yun talaga ang pinaka-nagpabagsak talaga sa amin, after non naghirap talaga.”

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Samantala, ang lahat naman ng hirap na naranasan ng pamilya ni Melai ay napawi matapos siyang magwaging Grand Winner ng PBB:Double Up. Mapalad rin si Melai dahil natagpuan niya rin sa PBB ang lalaking magbibigay sa kanya ng kaligayahan at magiging ama ng kanyang mga anak, ang kanyang asawa ngayon na si Jayson Francisco.




“Ang pinaka-main talaga don aside sa Big Winner is nakita mo yung love of your life, na doon mo pala makikita yung asawa mo.”

Melai's Biggest Childhood Revelation | Women's Month | Toni Talks