Connect with us

Entertainment

“Matiyaga siya, Hindi Nainip at Marunong Maghintay”, Pagsasalarawan ni Ogie Diaz sa aktres na si Liza Soberano nung Nag-uumpisa pa Lamang ito sa Showbiz

Isa sa mga hinahangaang mga aktres sa showbiz ngayon ang aktres na si Liza Soberano. Ang talent manager ni Liza na si Ogie Diaz, ay ibinahagi ang mga panahon kung paano naging maganda ang pag-usbong ng karera ng aktres sa showbiz. Dahil nga sa nakapa-humble na tao ni Liza, naging maganda ang pag-uumpisa ng kanyang acting career. Kaya maraming mga tao ang labis na humanga sa kanya at talaga nga namang minahal siya ng publiko.

Sa pagdiwang ng aktres ng kanyang ika-22 taong kaarawan noon lamang January, ay nagbahagi ng mga larawan nila ni Liza si Ogie sa kanyang Instagram. Ito ang mga panahon na nagsisimula pala lamang ang aktres sa kanyang pag-aartista.

Photo credits: Liza Sobera | IG

Ayon kay Ogie, ito ang pinaka-paborito niyang larawan nila ni Liza. Ang larawang ito ay kinuhaan pa noong 2012, makikita rito na talagang napaka-simpleng dalaga lang ng aktres. Dagdag pa niya, ito yong mga panahon na gusto ng aktres ang maging isang modelo. Ngunit dahil sa convicing power ni Ogie, napapayag nila ang aktres na maging isang artista. At dito na rin nagsimula ang pagiging isang talent manager ni Ogie kay Liza.
“Ito ang pinakagusto kong picture sa dami na pics with @lizasoberano. Very memorable kasi ito, dahil first pic naming ito noong 2012. Napakasimpleng bata. Gusto niyang mag-modelo noon, pero nakumbinsi naming siyang mag-artista,” sabi ni Ogie sa kanyang post.

Photo credits: google.com

Dahil na rin sa pagiging maayos na handler ni Ogie, nabigyan ng big break si Liza sa showbiz at unti-unti na siyang nakilala. Unang nakilala ang aktres sa isang episode ng fantaseryeng “Wansapataym”. Dito na rin nag-umpisa na pumatok ang aktres sa mga manonood, hanggang sa nagkaroon siya ng kanyang unang lead role kasama ang aktor na si Enrique Gil sa teleseryeng “Forevermore”. Kaya ngayon, maituturing nang isa sa mga magagaling na aktres si Liza sa entertainment industry.

Proud ring ibinahagi ni Ogie, kung paano naging determinasyon at pagtitiyaga ni Liza sa kanyang pag-uumpisa bilang isang artista. Sa post na ito ni Ogie, talagang makikita kung gaano niya ipinagmamalaki si Liza.

“Ilambeses kung pinabalik-balik si Liza to see me kasi gusto kong magpaliit siya ng konti at sunud naman talaga ng sunod si Liza kada iutos ko para sa enhancement niya bilang baguhang artista. Nakakatuwa siyang bata kasi matiyaga siya, hindi nainip at marunong maghintay.”

Isa pa sa hindi malilimutan ni Ogie bilang isang talent manager ng aktres, ay ang pagiging mapagkumbaba ni Liza. Sa kabila ng kanyang kasikatan, nanatiling magpakumbaba at mapagmahal ang aktres kahit na 8 taon na ito sa industriya ng pag-aartista.

Photo credits: google.com

Si @duduunay ang naka-discover at si tita @jonilyncastillo naman na tita niya ang number one believer ni Liza at malakas ang kutob na may ang mararating ang pamangkin niya, kaya tinutukan din niya. Yung ugaling mabait, andun pa din. Yung priority ang family, andun pa din. Yung mahal na mahal niya ang lola niya, andun pa din. Yung hindi nagpi-primadona, humility ang lumulutang. Kaya ako na mismo mag-aangat sa kanya. Hindi dahil alaga ko siya, kundi ganun naman talaga siya,” aniya pa.

Photo credits: google.com

Nagbigay rin si Ogie na kanyang mensahe para sa kaarawan ng aktres,

“At kaarawan niya today, kaya happy, happy bday, Hopie Salamat. Maraming-marami salamat sa kabaitang mo.”

Ito na rin ang naging pagkakataon ni Ogie, upang pasalamatan si Liza ng buong puso dahil sa malaking naitulong ng aktres sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa anak nitong si Meerah Khel.

“At utang ko sayo kumbakit buhay na buhay ang premature baby kong si Meerah Khel. Alam mo na kumbakit. Love you, anak. You deserve only the best this 2020! Continue to be a blessing to your family and other people! Mahal na mahal ka ng pamilya ko.”

error: Content is protected !!