Larawan ng Mag-amang Erwan Heussaff at Baby Dahlia, Kinagiliwan ng Publiko Dahil Tila “Pinagbiyak na Bunga” sa Sobrang Pagkakamukha

Sadyang nakakaaliw naman talaga ang mga cute na bata sa ating mga tahanan. Kapag nga, may cute na baby sa loob ng ating bahay, ay tiyak na ito ang nagiging sentro ng kaligayahan ng pamilya. Sila nga ang nagbibigay saya at kulay sa loob ng bawat tahanan. Ang kanilang mala-anghel sa among mga mukha at matamis na ngiti ang pumapawi ng pagod at problema ng bawat miyembro ng pamilya.

Katulad na lamang nga ng napakacute na batang si Dahlia Amelie na kinagigiliwan ng marami. Si Baby Dahlia ay anak ng aktres na si Anne Curtis at asawa nitong chef-vlogger na si Erwan Heussaff.

Ang kanyang ka-cutan ay talaga namang maraming nakasubaybay. Sa paglipas ng panahon, sa milestone ni Baby Dahlia, ay marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig ng mukha nito sa kanyang Daddy Erwan noong bata pa ito. Ilang ulit na ring napatunayan sa mga throwback photos ni Erwan na “carbon copy” niya nga si Baby Dahlia.

At nitong nakaraang Linggo lamang, ika-21 ng Hunyo nang muli na namang kinagiliwan ng publiko ang larawan ng mag-ama kung saan masisilayan na sila’y tila pinagbiyak na bunga sa sobrang magkamukha.

Sa Instagram, ay binati ni Anne ang kanyang asawa at ama ng kanyang anak na si Erwan noong nagdaang Father’s day. At upang bigyang pugay ang pagmamahal at sakripisyo ni Erwan para sa kanilang pamilya, ay isang nakakaantig na mensahe ang ang ipinaabot ng aktres sa kanyang asawa.

Ang nasabing post naman, ay nilakipan ng mga larawan ni Erwan at Baby Dahlia, kung saan makikita ang masaya nilang bonding moments. Maliban dito, ay kapansin-pansin rin na magkamukha-mukha ang mag-ama sa mga larawan. At mas lalong napatunayan ito ni Anne sa baby photo ni Erwan na kasama rin sa ibinahagi niyang mga larawan.

Kung pagmamasdan ay aakalain nga na si Baby Dahlia ang nasa larawan, ngunit ito nga ang kanyang ama na si Erwan. Saang anggulo man tingnan ay tila nga Little Erwanita si Baby Dahlia ng kanyang ama, na animo’y pinagbiyak na bunga. Dahil dito, ay maraming netizens ang talagang natuwa, at kinagiliwan si Baby Dahlia dahil nga kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama.

Samantala, ang sweet photos ng mag-amang Erwan at Baby Dahlia na ibinahagi ni Anne sa Instagram para batiin ang asawa, ay nilakipan niya ng caption na:

“Being a father has chipped that solid wall of yours and has allowed smiles and emotions to flow so freely – but of course, that trademark gwapo from will always remain. You are our world, Papa.”

Magmula nga ng dumating si Baby Dahlia sa buhay ng mag-asawang Erwan at Anne, ay hindi maikakaila na mas lalong naging masaya at makulay ang kanilang pamilya. Makikita nga sa social media ng mag-asawa na halos mapuno na ito ng mga cute and adorable photos ni Baby Dahlia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *