Connect with us

Entertainment

Kristine Hermosa, masayang ibinahagi na siya ay buntis sa fifth baby nila ni Oyo Boy Sotto

Sa tagal na panahon ng inaantay ng aktres na si Kristine Hermosa na sila ay biyayaan ulit ng isa pang supling, sa wakas ay narinig na ng Panginoon ang kanilang dasal at masayang ibinalita nito sa kaniyang Instagram account na kasalukuyang nagdadalang tao ito para sa kanilang ika-limang anak.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Ibinahagi nito sa isang Instagram post ang kanilang big miracle ngayong taon dahil tila ito ay isang answered prayer na napakatagal ng hinihintay ng kaniyang mga anak at asawa na si Oyo Sotto.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

“Another answered prayer. Salamat 🙏🏻🤰💕 God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. ☺️🎁 Thank you Lord for sustaining us this entire year… pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. Kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ❤️ I LOVE YOU SO MUCH JESUS. I love you Oyo, Kiel, Dre, Kaleb, Vin and Baby in my Belly. 🤰 “


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Sa Instagram post ng aktres, makikita na isinulat ng kaniyang nag-iisang babaeng anak ang isang dasal na kung saan nakalagay rito ay nawa’y mabigyan at mabiyayaan ulit ang kaniyang Mommy Kristine ng isa pang baby girl.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Tatlong lalaki at nag-iisa lamang ang babaeng anak ng mag-asawa kaya naman ang kanilang ipinagdarasal ay mabigyan pa sila ng isa pang munting anghel na babae upang makumpleto ang kanilang big happy family.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Kahit apat na ang anak ng aktres ay tila hindi halata sa kaniyang pangangatawan na isa na siyang Mommy dahil hanggang ngayon ay blooming at fresh pa rin ang aura nito kahit nilisan na niya ang industriya.

Napanatili nito ang kaniyang ganda at hubog ng katawan katulad ng dati noong siya ay nasa showbiz pa lamang kahit na hands-on mom ito sa kaniyang apat na anak. Hindi halata sa ganda nito na siya ay working and busy mom kung saan paminsan-minsan ay siya rin ang gumagawa ng kanilang gawaing bahay tulad ng paglilinis at paglalaba upang maturuan ang kaniyang mga anak ng household chores.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Maging si Oyo ay hands-on dad sa kanilang mga anak kung saan makikita sa kanilang mga Instagram posts na madalas siyang nakikibonding sa mga bata at tinuturuan ng mga gawaing bahay.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Kaya naman ngayong mas lumalago na ang kanilang pamilya ay napakalaki ng pasasalamat ng aktres sa lahat ng kaniyang biyayang natanggap kahit napakaraming nangyaring problema sa bansa ngayong taon. Nananatili itong positive sa buhay at faithful sa Panginoon dahil ang kaniyang pananalig ang bumubuo ng kanilang big, healthy at happy family.

Congrats, Kristine and Oyo!

error: Content is protected !!