Kilalanin si Roni, ang Napakagandang Anak ng PBA Legend na si Vergel Meneses na Sasabak sa Miss Philippines Earth

Lumilikha ngayon ng sariling pangalan sa pageant industry ang napakagandang anak ng PBA legend na si Vergel Meneses. Siya nga ang napakagandang beauty queen na si Roni na naghahangad na maiuwi ang korona ng Miss Philippines Earth sa darating na July 25.

Photo credits: google.com

Si Roni Meneses ay bunsong anak ni Vergel kung saan ay taglay ang “beauty and brain” bilang isang beauty queen. Si Roni ay kabilang sa 68 na naggagandahang kandidata ng Miss Philippines Earth 2021 na magpapatagisan ng ganda, talino at husay sa pagrampa. Siya ang kinatawan Mandaluyong City na talagang taglay ang mala-dyosang kagandahan.

Photo credits: ronimeneses | IG

Hindi na bago sa mundo ng beauty contest si Roni, dahil bago pa man siya sumabak sa Miss Philippines Earth, ay ilang ulit na rin siyang nagwagi. Siya nga ang nag-uwi ng korona at itinanghal na Miss Mandaluyong 2020. Ang nasabing beauty contest ang naging daan ni Roni, upang sumabak ngayon sa national pageant. At bilang isang kandidata ng MPE, ay may maganda siyang adhikain kung saan ay isinusulong niya ang “environmental vegetarianism.”

Sa likod naman ni Roni, ang napakasupportive niyang ama na si Vergel na ngayon ay Mayor ng Bulakan, Bulacan. Sa edad na 26 na taong ay matayog ang pangarap ni Roni, na gagawin ang lahat matupad lamang ang kanyang goal at upang maisakatuparan niya ang kanyang magandang adhikain sa kapaligiran at sangkatauhan.

Ang UP Diliman graduate na si Roni, ay nagmamay-ari ng kanyang sariling RM Couture at RM Kitchen business na siya mismo ang nagpapatakbo. Hindi lamang nga pagiging beauty queen ang pangarap ni Roni, dahil nais rin niyang maging isang matagumpay na negosyante.

Photo credits: ronimeneses | IG

Samantala, dahil nga siya’y mula sa pamilya ng mahihilig sa sports, ay may natatagong galing rin si Roni sa paglalaro ng basketball at volleyball noong nasa highschool pa lamang siya. Walang duda na ang bawat isa sa kanilang pamilya ay biniyayaan ng husay pagdating sa sports.

Sa bagong journey ni Roni sa kanyang pagiging beauty queen, ay marami ang nakasuporta sa kanya tulad na lamang nga ng kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi nagsasawa sa pagpapakita ng kanilang suporta. Kaya naman, labis ang kanyang pasasalamat para palakasin ang kanyang loob.

“Ya gürl made it. Thank you, guys. I love you all,”saad ni Roni.

Photo credits: ronimeneses | IG

Ngayon na muli na naman siyang sasabak sa contest, ay nag-uumapaw na pasasalamat parin ang kanyang ipinaabot sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Long way to go, but feeling really grateful nonetheless.”

Sa July 25 gaganapin ang live coronation Miss Philippines Earth na mapapanood sa KTX.ph. Sa July 11 ay magkakaroon naman ng live stream para sa regional costumes preliminary competition. Kasabay naman nito ang coronation ng Little Miss Earth Angels na kompetisyon naman para sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *