Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Marthena Jickain, Ang Artistahin Looks na Bunsong Anak ng Aktres na si Aiko Melendez

Hindi maipagkakaila na isa sa mga celebrity actress na nagtataglay ng walang kupas na kagandahan mula noon hanggang ngayon ay si Aiko Melendez. Ang kanyang kabigha-bighaning ganda, ay talaga namang kahanga-hanga, kaya naman itinututuring din siya noon bilang isa sa mga aktres na may pinakamagagandang mukha sa mundo ng showbiz.

Credit: Aiko Melendez | Instagram

At ngayon nga na ang bunsong anak ni Aiko ay nagdadalaga na, tila naman namana nito sa aktres ang pagkakaroon ng napakagandang mukha na talaga namang pang ‘artistahin looks.’

‘Like mother like daughter’ nga naman ang taglay na kagandahan ni Aiko at ng kanyang bunsong anak na si Marthena Jickain, at ito nga ay makikita sa mga larawan nilang mag-ina na ibinahagi sa social media.
Batid ng marami sa atin na si Aiko Melendez ay mayroon ng dalawang anak, kung saan ang kanyang panganay na anak ay isang lalaki na nagngangalang Andrei Ylana, na ang ama nga ay ang aktor na si Jomari Ylana.

Credit: Aiko Melendez | Instagram

Matapos ang naging relasyon ni Aiko sa aktor na si Jomari, ay ilang taon muna ang lumipas bago ito muling umibig at magdesisyon na pumasok sa panibagong relasyon. Kung saan ay dito na nga niya nakarelasyon ang naging asawa niya na si Martin Jickain.

Apat na taon ang naging pagsasama nina Aiko at Martin, ngunit ang apat na taon na ito ay nauwi rin sa hiwalayan, sa kabila nito nagkaroon naman ng bunga ang naging pagmamahalan ng dalawa, at ito nga ay ang bunsong anak na ngayon ng aktres, na si Marthena.

Credit: Aiko Melendez | Instagram

Si Marthena Jickain, ay lumaki sa poder at pangangalaga ni Aiko. At hanggang sa kasalukuyan ay nasa piling pa rin ito ng aktres kaya naman sa mga larawan na ibinabahagi ni Aiko sa kanyang social media account ay madalas na makikita na kasama niya ang bunso niyang anak.

Sa mga larawan ng mag-ina ay makikita na malaki nga pagkakahawig nila sa isa’t isa, dahil kung titignan ang napakagandang mukha ni Marthena, ay nahahawig nga ito sa hitsura ng kanyang inang si Aiko nung ito ay bata-bata pa.

Credit: Aiko Melendez | Instagram

Dahil nga sa taglay na kagandahan na minana ni Marthena sa kanyang inang si Aiko, ay marami ang nagsasabi na kung sakaling naisin nito na sundan ang yapak ng ina ay papasa ito na artista o di kaya naman ay nababagay rin ito na maging isang beauty queen sa hinaharap.

Samantala, base sa mga naging ulat patungkol kay Marthena ay hindi nga lamang ito basta maganda, dahil sa isa rin itong ‘volleyball’ player, at aktibo rin sa kanilang paaralan.

Credit: Aiko Melendez | Instagram

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang karera sa showbiz, kung saan ay mapapanood nga siya sa ilang serye at pelikula sa GMA-7 network. Kamakailan nga lang din naman ng gulatin ni Aiko ang marami niyang mga tagahanga, ng ibida niya sa kanyang Instagram ang naging resulta ng ginawa niyang fitness journey, kung saan ay tila nga bumalik siya sa kanyang kabataan dahil sa napakaganda at seksi na naman ng kanyang pangangatawan.

error: Content is protected !!