Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Juamee Revillame ang napakacute na anak na lalaki ni Willie Revillame

Dahil sa mga sikat at kilalang artista na nagkaroon ng relasyon at di kalaunan ay nagkahiwalay, marahil ay iyong naitatanong kung sila ba ay nagkaroon ng mga anak.


Photo courtesy: Willie Revillame | Soc. Media Account

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Willie Revillame na ang totoong pangalan ay Wilfredo Buendia Revillame. Isang host, mag-aawit, songwriter, aktor, negosyante at kilala rin bilang isang magaling na komedyante.


Photo courtesy: Willie Revillame | Soc. Media Account

Alam naman natin na sa ipinapakita niyang pagmamahal at pagmamalasakit mula sa pagbibigay ng tulong sa mga kakabayan nating mga Pilipino na nakakaranas ng matinding paghihirap, kinakapos at mga nangangailangan na naging dahilan kung kaya marami rin ang humahanga at nagmamahal sa kaniya.


Photo courtesy: Willie Revillame | Soc. Media Account

Hindi lang iyon, dahil kilala din siya sa pagtulong sa “special children” at “senior citizens” na talaga namang malapit sa kaniyang puso.
Ipinakilala niya sa publiko ang kaniyang nag-iisang anak na lalaki na si Juamee Revillame na kaniyang anak sa kaniyang dating asawa na si Liz Almoro.


Photo courtesy: Willie Revillame | Soc. Media Account

Saad ni Willie sa isang segment ng kaniyang programang Wowowin, ito ang aking bunso at nag-iisang anak na lalaki na kung saan ay nagawa pa niyang magbiro dahil sa ayos ng buhok ng kaniyang anak na kung saan ay nasabi niya na parang K-pop ang style ng buhok ng kaniyang anak na gusto niyang gayahin.


Photo courtesy: Meryll Soriano | Youtube

Bago naging asawa ni Willie si Liz Almoro ay ipinawalang bisa muna nila ni Princess Punzalan ang kanilang kasal. Noong Marso taong 2005 nangyari ang kasalang Willie at Liz na ginanap sa isang civil rite sa Batangas.


Photo courtesy: Meryll Soriano | Youtube

Ngunit hindi nagkaroon ng happy ending ang kanilang pagsasama dahil pagkalipas ng tatlong taon ay nagsampa ng petisyon si Liz at noong taong 2008 ay napawalang bisa ang kanilang kasal. Wala mang kinakasama at katuwang sa buhay ay masaya parin si Willie dahil sa maraming kababayang Pilipino ang kaniyang napapasaya at nabibigyan ng tulong.


Photo courtesy: Meryll Soriano | IG

Inamin din ni Willie na hindi siya naging matino noong kabataan niya at marami rin siyang hindi maganda at maling nagawa, ngunit ayon sa kaniya ang lahat ng ito ay kaniyang pinagsisihan. Ganun pa man ay hindi nawawalan ng pag-asawa si Willie na balang araw ay makikita at makikilala niya rin ang taong makakasama niya sa kaniyang pagtanda.

error: Content is protected !!