Kilalanin si Axel Torres, Ang Lalaking Bumihag at Nagpapasaya sa Puso ng Aktres na Si Aj Raval

Isa sa mga pinakabagong aktres ngayon sa mundo ng showbiz na hinahangaan at pinapantasya ng marami ay ang Kapamilya actress na si AJ Raval.

Credit: Aj Raval | Instagram

Hindi maikakaila na sa taglay na kagandahan at talento ni AJ ay isa nga siya sa mga mga aktres ngayon sa showbiz na tumitingkad na ang takbo ng karera. Makikita rin sa kanyang social media account ang napakarami na niyang mga tagasuporta at tagasubaybay.

Mas nakilala pa ng publiko bilang isang mahusay na aktres si AJ Raval ng mapabilang siya sa isang proyekto, kung saan ay kanyang naging leading man ang isa rin sa mga hinahangaan na aktor ngayon na si Diego Loyzaga.
At dahil nga sa talaga namang naging maganda ang takbo ng pelikula na ito na pinagsamahan nila ni Diego Loyzaga ay matagumpay itong naging blockbuster, at dito na rin nagsimula na maging ‘talk o the town’ ang dalagang aktres.

Maliban pa din sa pagiging isang aktres, ay marami rin ang humahanga kay AJ sa mga video vlogs niya na kanyang ini-a-upload sa kanyang YouTube channel. At isa nga sa mga pinakamaraming views na kanyang vlog ay ng ipakita niya ang paglilinis ng kanyang kwarto habang nakasuot ng pabahayna kasuotan na nagpapakita pa rin ng kanyang kaseksihang taglay.

Credit: Facebook

Samantala, hindi nga lamang kilala si AJ bilang isang bagong bituin sa mundo ng showbiz, dahil bago pa man ang kanyang pagsikat ay nakilala na siya ng publiko bilang anak ng batikang aktor na Jeric Raval.
Dahil nga sa pagkakaroon ng napakagandang mukha at imahe ng aktres, ay maraming mga kalalakihan ang nagnanais na mapalapit dito. Ngunit nakakalungkot lang para sa mga ito, ay ng aminin ng dalaga sa isang press conference niya, na mayroon na umanong lalaking nakabihag ng kanyang puso.

Ibininunyag ni AJ kamakailan lamang sa isang virtual conference niya para sa bago niyang proyekto na “Nerisa”, na ang lalaking nagbibigay kaligayahan nsa kanya ngayon at nagpapatibok ng kanyang puso, ay walang iba kundi ang dating PBB housemate na si Axel Torres.

Credit: Facebook

“Naging kami po noong wala pa ako sa showbiz” ang naging saad ni AJ.

Ayon nga sa dalagang anak ni Jeric Raval, bago pa man niya pasukin ang pag-aartista ay nagde-date na sila ni Axel. At sa isa nga niyang Instagram post noon pang mga nakaraang taon ay makikita ang isang larawan na kanyang ibinahagi na nagpapatunay na noon pa man nga ay lumalabas at nagkikita na sila ng dating PBB housemate.

Si Axel Torres ay isang dating PBB housemate, kung saan ay nagkaroon na rin ito ng anak sa dati niyang karelasyon at naging kasamahan sa PBB na si Aina Solano. Na-link din ito noon kay Erin Ocampo, isa sa mga miyembro ng GirlTrends.

Credit: Facebook

Sa ngayon ay maraming mga pinagkakaabalahang proyekto si AJ Raval, at isa na nga sa mga bago niyang proyekto ay ang pag-ganap ng karakter bilang si “Lilet” sa pelikulang “Nerisa” na pagbibidahan naman ng dating beauty queen na si Cindy Miranda. Makakasama niya rin sa proyektong ito ang iba pang mga mahuhusay na artista, kagaya na lamang nina Sheere at Aljur Abrenica.