Kilalanin ang Pinay na asawa ng Hollywood Star at Sikat na Singer na si Brian Macknight

Ang Hollywood singer na si Brian Macknight ay kilalang-kilala sa kaniya pagging isang R&B singer, song writer, arranger, producer at musician. Siya ay tanyag sa buong mundo dahil sa kaniyang talento.

Maliban sa kaniyang pagiging isang tanyag musikero, isa rin siyang multi-instrumentalist kung saan kaniya niyang tumugtog ng 8 magkakaibang instrumento. Kabilang sa mga instrumentong ito ay ang piano, guitar, bass guitar, percussion, trombone, tuba, flugelhorn and trumpet. Siya ay mas nakilala sa angking galing ng kaniyang boses na bumibida sa pagbirit. Kabilang sa kaniyang mga kanta ay ang “Back at One”, “6, 8, 12” at “One Last Cry”.

Kamakailan lamang ng mga nakaraang taon, may inihanda si Brian sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. Ito ay ang pagkakaroon niya ng mga konsyerto sa Manila at Cebu City. Ayon pa sa mga artikulong inilabas ng ABS-CBN, ang gaganaping konsyerto sa Solaire Theater at Waterfront Cebu ay siya ring selebrasyon ng kanilang wedding anniversary ng kaniyang Filipina-American na asawa sa December 4 at 5.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Noong january 1, 2018 ng maikasal siya sa kaniyang Pinay na asawa na si Dr. Leilani Malia Mendoza na isang doctor. Sila ay ikinasal sa Oheka Castle Hotel & Estate in Huntington, New York City. Masayang ipinagmamalaki ni Brian ang lugar ng kaniyang asawa sa Pilipinas, ito ay ang Plaridel, Bulacan. Ayon sa singer, labis ang kaniyang naramdamang kasiyahan ng maikasal siya sa kaniyang asawang Filipina.

Photo credits: google.com

Saad pa niya, “Well, I guess now it starts with my wife and her family. Being married to a Filipina is a fantastic thing. My love for Filipino food has gone through the roof”.

Photo credits: google.com

Laging sinasabi ng R&B singer, kung gaano niya kamahal ang Pilipinas lalo na ang kaniyang mga Pinoy fans na patuloy at walang sawa na tumatangkilik sa kaniyang mga musika. Sa isang panayam sa R&B singer, minsan naitanong sa kaniya kung alam ba niyang ginagamit ang kaniyang mga kanta sa espesyal na okasyon kagaya na lamang ng kasal.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ibinahagi pa ni Brian, na pinangarap niyang mag-travel sa buong mundo noong siya ay bata pa lamang, at madalas siyang maghanap ng mga inspirasyon upang makagawa siya ng mga orihinal niyang mga kanta. Masaya siya ngayon, dahil hindi niya inakalang lahat ng ito ay matutupad. Kaniya ring ibinahagi na ang kaniyang mga ginagawang kanta ay hango sa mga hopeless romantic na nakakaantig sa puso ng bawat nakikinig ng kaniyang mga musika.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Taong 2016, nakapag-performed na ang R&B singer dito sa Pilipinas kasama ang mga mahuhusay na singer na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez at Kyla. Kaniyang malugod na pinuri na ang mga magagaling na singer sa buong bansa ay ang mga Pinoy singers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *