Kilalanin ang Napakagandang Ina ng Sikat na Aktres na si Lovi Poe na Dati ring Isang Sikat na Aktres at Modelo

Maraming mga sikat na artista showbiz ang nagmula sa magagandang lahi na talaga namang hinahangaan. At kabilang na nga rito ang napakagandang aktres na si Lovi Poe na nagmana sa kanyang mga magulang.

Si Lovi Poe ay kilalang aktres sa industriya ng showbiz na taglay ang napakagandang mukha na natural na natural. Kinabibiliban rin ng marami ang kanyang natatanging talento sa pag-arte.

Photo credits: Lovi Poe | IG

Ang 32 anyos na aktres na kilala rin sa tunay na buhay bilang si Lourdes Virginia Moran Poe na isinilang noong born February 11, 1989, ay anak ng action star legend na si “Da King” Fernando Poe Jr. Ngunit, hindi lamang sa kanyang ama nakuha ni Lovi ang magandang katangian na dumadaloy sa kanyang ugat kundi maging sa kanyang ina na kamukhang-kamukha niya.

 

Photo credits: Lovi Poe | IG

Ang ina ni Lovi ay isang dating aktres at beauty queen, na talaga namang napakaganda. Siya si Rowena Moran na minsang napaibig at nabighani sa kanyang kagandahan si Da King. At sa pinagsamang gwapo at magandang mga magulang, ay hindi na nga nakapagtataka kung ang maging bunga ng kanilang pagmamahalan ay isang napakaganda at talentadong dilag.

Photo credits: Lovi Poe | IG

At kamakailan lamang nga, sa mga larawang ibinahagi ng GMA ng mag-inang Lovi at Rowena, ay isang patunay na ang natural na kagandahan ay taglay ng kanilang buong pamilya. Makikita nga sa larawan ang malaking pagkakahawig ni Lovi sa kanyang ina kung saan nakuha niya ang magandang mata at cheekbone nito. Hindi rin maikakaila ang hindi nagkakalayong mga edad ng dalawa na animo’y magkapatid lamang. Tila nga sa pagdaan ng panahon, ay hindi nadagdagan ang edad ng ina ni Lovi, na parang hindi ito tumanda.

Photo credits: Lovi Poe | IG

Samantala, matatandaan naman na noong taong 2004 nang isiwalat sa publiko ni Da King na si Lovi ay anak niya sa kanyang dating nakarelasyon na aktres. Maliban kay Lovi, ay hindi na lingid sa publiko na anak ni Da King si Sen. Grace Poe, dahilan nga para sila tawagin silang half-sister, o magkapatid sa ama.

Sa ngayon, ay patuloy na namamayagpag ang karera sa showbiz ni Lovi Poe, mapapelikula man o teleserye ay talagang ipinapamalas ang kanyang husay. Ilan lamang nga sa mga proyekto na kanyang ginampanan ay The One Got Away, Someone To Watch Over Me, Mulawin Versus Ravena, Temptation Island, The Significant Other, Thy Womb, My Neighbor’s Wife at marami pang iba. Ipinamalas rin niya ang kanyang husay sa teleserye ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real noong 2014.

Photo credits: Lovi Poe | IG

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte ay ilang ulit narin siyang nagkamit ng parangal. Una nga siyang naparangalan bilang Best Actress noong 2010 sa Cinemalaya Independent Film Festival sa kanyang pagganap bilang Lilibeth sa pelikulang Mayohan. Sa kaparehong taon, ay kabilang rin siya sa FAMAS Best Actress awardee matapos gumanap bilang Kath Asero sa Sagrada Familia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *