Kilalanin ang mga Sikat na Filipino Celebrities na May Ka-Look Alike na Hollywood Star

Sa dami ng tao sa buong mundo na halos tinatayang 7 billion, ay hindi imposible ang magkaroon ng kamukha. At masasabi nga na ang salamin ng ating imahe sa mga taong ito ay talagang hindi natin aakalain. Ayon sa statistics, ang bawat isa atin ay may 7 taong kamukha sa buong mundo.

Marami na nga tayong nasaksihan na halos magkamukhang-magkamukha ngunit hindi naman sila magkaano-ano o magkadugo. Katulad na lamang ng mga Filipino celebrities na ito na ka-look alike ang mga Hollywood stars.

1. Walter Demesa and Joseph Gordon Levitt

Ang Canadian Filipino raised na si Walter Demesa ay malaki ang pagkakahawig kay Joseph Gordon Levitt na isang American actor. Si Walter Demesa ay kilalang TV host sa Pilipinas habang si Joseph naman ay sikay na aktor sa Hollywood. Hindi sila kambal, ngunit maraming bahagi ng kanilang mukha ang magkahawig. Pareho ring gwapo ang dalawa na tiyak na pinagkakaguluhan ng maraming babae.

2. Agot Isidro and Julia Roberts

Tila kambal rin kung pagmamasdan ang dalawang babaeng ito na sina Agot Isidro at Julia Roberts. Hindi sila magkamag-anak ngunit parehong pareho ang masisilayan sa kanilang mukha mula sa buhok, lips, jawline, at sa mata. Si Agot ay kilalang aktres sa Pilipinas samantalang hinahangaan ng marami si Julia Roberts bilang mahusay ma aktres sa buong mundo.

3. Donita Rose and Audrey Hepburn

Ilang ulit na ring naikompara si Donita Rose kay Audrey Hepburn dahil sa kanilang malaking pagkakahawig. Ang magka-look a like na ito, ay parehong taglay ang natural at kahanga-hanga at walang kupas na kagandahan.

4. Kris Lawrence and Taeyang

Marami rin ang nagsasabi na magka-look alike rin ang Filipino singer na si Kris Lawrence at Korean singer na si Taeyang. Tila nga kapatid sa ibang ina ni Kris si Taeyang dahil sa sobrang pagkakahawig ng kanilang mga mukha.

5. Sarah Lahbati and Angelina Jolie

Kung titingnang mabuti ay malaki rin ang pagkakahawig ng aktres na si Sarah Lahbati at Hollywood star na si Angelina Jolie lalo na kanilang mga labi. Magka-look alike naman talaga ang dalawa na parehong maganda at talentadong aktres.

6. Georgina Wilson and Leighton Meester

Tila magkapatid rin sina Georgina Wilson at Leighton Meester dahil sa sobrang pagkakahawig ng kanilang mga mukha. patunay nga nito na nakuha ni Georgina ang style ni Leighton sa karakter nito sa Gossip Girl (Blair Waldorf).

7. Pokwang and Lucy Liu

Ang komedyanteng si Pokwang, ay tila kambal naman ng American actress na si Lucy Liu. Makikita naman na mas bata si Pokwang kay Lucy ng apat na taon. Si Pokwang ay 46 taong gulang samantalang 51 taong gulang naman si Lucy.

8. Max Collins and Lana del Rey

Makikita na ang kanilang mga mata, labi at cheekbone ay magkaparehong-pareho. Pareho ring maganda ang magka-look alike na sina Max Collins at Lana del Rey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *