Kilalanin ang mga Celebrities na Gumastos ng Daan Daang Milyon para sa Kanilang Napaka Engradeng Dream Wedding

Pagdating sa kasalan, ang mga mayayaman at sikat na personalidad sa showbiz ay hindi nagpapahuli na ipakita sa publiko ang kanilang angking yaman. Kaya naman, talagang pabonggahan at napakaengrande ang seremonya ng kasal ng mga sikat na personalidad na ito. Silipin ang pinakaengrandeng pag-iisang dibdib ng mga sikat na personalidad sa showbiz na talagang tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas.

1. Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Ang 20 years na ngayong masayang nagsasama na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, ay isa sa mga celebrity couples sa showbiz na nagkaroon ng engrandeng kasal. Sina Aga at Charlene ay ikinasal nong Mayo 28, 2001 kung saan ay gumastos sila ng tinatayang P27,000,000. ang kanilang engrandeng kasal ay naganap sa St. Joseph the Worker Parish sa Pacdal, Baguio. Ang kanilang masayang pagsasama naman ay biniyayaan ng kambal na anak, sina Atasha at Andres.

DESTINY - Aga Muhlach & Charlene - Wedding 1

2. Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

Umabot naman sa halagang P28,000,000 ang nagastos nina Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez sa kanilang engrandeng kasal. Sila ay ikinasal noong May 25, 2003 ngunit matapos lamang ang apat na taong pagsasama ay nagkahiwalay sino noong May 8, 2007.

Biniyayaan naman ang kanilang pagsasama ng dalawang anak, sina Lorin Gabriella at Venezia Loran.

3. Vic Sotto at Pauleen Luna

Inabangan rin ng publiko ang engrandeng kasalan ng taong 2016. Ito nga ang bongga at engrandeng kasal ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna na naganap noong January 30, 2016 sa Ayala Alabang, Muntinlupa. Hindi naman biro ang halagang nagastos sina Bossing at Poleng sa kanilang engrandeng kasal na umabot ng P84,500,000. At ito nga ay dinaluhan ng napakaraming bisita, na kinabibilangan ng mga kilalang personalidad sa bansa. Masaya naman ang kanilang pagsasama na binibigyang saya at kulay ng kanilang anak na si Tali.

Vic Sotto and Pauleen Luna's Wedding

4. Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ang binansagang Royal Wedding ng Pilipinas na isinabuhay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay talaga namang pinahanga ang publiko. Bukod kasi sa mamahaling gown ni Marian, ay talaga namang napakabongga ng venue at reception ng kanilang kasal na dinaluhan ng mga mamayaman at kilalang personalidad sa bansa na na may bilang na 1,200 bisita kabuuan. Umabot naman sa halagang P103,000,000 ang kanilang nagastos sa engrande nilang kasal na naganap noong December 30, 2014. Ang kanilang kasal naman ay naganap sa Cubao Cathedral sa Quezon City, samantalang ang reception ay sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Ngayon ay may dalawa na silang anak, sina Zia at Ziggy.

Dingdong and Marian Official Wedding Video by Mayad

5. Hayden Kho at Vicki Belo

Sa lahat ng engrandeng kasal na naganap sa showhiz, ay sila nga ang may pinakaengrandeng kasal, ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo. Sila ay ikinasal noong September 2, 2017 sa isang simbahan sa Paris habang ang reception naman ay sa Palais Garnier. At ang mala-fairy tale na kasalan ng celebrity couple ay gumastos ng P502,000,000. Matapos ang kanilang kasal sa Paris ay muli naman silang ikinasal sa Pilipinas sa Makati na isinakatuparan ni Mayor Abby Binay.

Our Full WEDDING VOWS! First Time Footage Reveal *Super Emotional* | Hayden Kho & Vicki Belo Wedding

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *