Kilalanin ang mga Celebrities at Kanilang mga Asawa, na Hindi Naging Hadlang ang Malaking Agwat ng kanilang Edad sa kanilang Pagmamahalan

Sabi nga nila pagdating sa pag-ibig ay hahamakin ang lahat masunod lamang ang tibok ng puso. Marami na ngang nagpatunay na kahit anumang hadlang ay kayang lampasan kapag isang wagas at tunay na pag-ibig ang nadarama. At kapag usapang puso na nga ay madalas nating marinig ang mga linyang “age doesn’t matter”o kaya naman ay “age is just a number”.

Ito ay dahil hindi naging hadlang sa dalawang pusong nagmamahalan ang malaking agwat sa kanilang mga edad. Kilalanin ang mga celebrity couple na hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang malaking agwat sa kanilang mga edad.

Robin Padilla at Mariel Rodriguez

Photo credits: google.com

Pinatunayan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na hindi hadlang ang kanilang 15 taong agwat ng kanilang mga edad sa kanilang pagmamahalan. Si Robin na 51 taong gulang ay mas matanda kay Mariel na 36 taong gulang pa lamang. Ikinasal sila noong 2010 at ngayon ay may dalawang anak na.

Heart Evangelista at Chiz Escudero

Photo credits: google.com

15 taon ang agwat ng edad ni Chiz Escudero sa kanyang asawa. Si Chiz ay 51 taong gulang na habang si Heart Evangelista ay 36 taong gulang naman. Ikinasal sina Heart at Chiz noong Pebrero 2015 sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Balesin Island.

Beauty Gonzales at Norman Crisologo

Photo credits: google.com

Ang mag-asawang Beauty Gonzales at Norman Crisologo na ikinasal noong 2017, ay may 16 taong agwat sa kanilang mga edad. Si Beauty ay 30 taong gulang samantalang si Norman ay 46 taong gulang.

Gretchen Barretto at Toni Boy Cojuangco

Sa edad ni Gretchen Barretto na 51 ay mas bata siya ng 19 na taon sa kanyang partner na si Toni Boy Cojuanco na 70 taong gulang.

Photo credits: google.com

Assunta De Rossi at Jules Ledesma

23 na taon ang agwat ng edad sa isa’t isa ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma. Si Assunta ay 38 taong gulang habang si Jules ay 61. Ikinasal ang dalawa noong taong 2004, at ngayon ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang anak.

Photo credits: google.com

Vicki Belo at Hayden Kho

Mas matanda si Vicki Belo ng 24 na taon sa kanyang asawang si Hayden Kho. Si Vicki ay 65 taong gulang samantalang 41 taong gulang. Taong 2017 nang ikasal ang dalawa sa Paris.

Photo credits: google.com

Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan

Sa edad na 56 ni Ai-Ai delas Alas ay 34 taon ang agwat ng kanyang edad sa kanyang asawang si Gerald Sibayan na 22 taong gulang lamang.

Photo credits: google.com

Vic Sotto at Pauleen Luna

Ang mag-asawang sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay may malaking agwat sa kanilang mga edad na 35. Si Bossing ay 67 taong gulang samantalang 32 naman si Poleng. Hindi hadlang ang agwat ng kanilang mga edad sa kanilang pagmamahalan. At ito’y nagbunga ng isang anak.

Photo credits: google.com

Freddie Aguilar at Jovie Albao

Maraming kilay ang napataas ng musikerong si Freddie Aguilar matapos pakasalan noong 2013 ang napakabatang si Jovie Albao na noon ay 16 taong gulang lamang. May agwat sila sa kanilang mga edad na 44. Si Freddie ngayon ay 68 taong gulang samantalang si Jovie ay 24 naman.

Photo credits: google.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *