Kathryn Bernardo, Tuwang-tuwa at Labis ang Pasasalamat sa Handog na Surpresa ng Kanyang Mommy Min na Isang Bago at Napakagandang Studio

Tunay nga na ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay hindi matatawaran. At isa ang aktres na si Kathryn Bernardo sa malapad na anak na nakatagpo ng isang mabuti at mapagmahal na ina sa katauhan ng kanyang Mommy Min Bernardo.

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

At nito lamang ngang ika-6 ng Hunyo sa latest vlog na mapapanood sa Youtube Channel ni Kath ay makikita kung paanong pinasaya ni Mommy Min ang kanyang anak matapos surpresahin ng isang bago at napakagandang studio.

Sa unang bahagi ng video ay idenitalye ni Mommy Min kung paano niya nagawa ang surpresa sa kanyang anak na labis na ikinatuwa nito. Kwento nga ni Mommy Min, ay hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa paligid lalo na noong sumapit ang 25th birthday ni Kath noong nakaraang March kung saan nakita niyang hindi gaanong nag-eenjoy ang aktres dahil sa pandemya. Dahil dito, ay naisip ni Mommy Min na magpagawa ng studio para sa kanyang anak.

Ayon kay Mommy Min ay nais niyang magkaroon ng sariling lugar si Kath para sa gagawin nitong mga commercial, pictorials at maging para sa mga vlogs nito. At ang bagong studio na ito ni Kath, ay nagsisilbi ring surprise birthday gift ni Mommy Min sa kanyang anak.

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

At upang isakatuparan ang surpresang ito ni Mommy Min kay Kath, ay kinausap niya ang contractor at architect ng aktres upang gawin ang plano. Kinausap rin ni Mommy Min ang hair stylist ni Kath na si John Valle upang tanungin kung anong gusto ni Kath na disenyo para sa studio. Nagsimula naman ang construction ng bagong studio noong October 2020 kung saan ay plinano ng mabuti, at naaayon sa nais na disenyo ni Kath.

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Kinausap rin ni Mommy Min ang boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla upang ipaalam ang planong pagpapagawa ng studio bilang surprise gift kay Kath na sinuportahan naman ng aktor at pumupunta rin sa site ng hindi nalalaman ni Kath.

“Supposed to be bibigay ko dapat ‘to sa last birthday niya kasi 25th birthday niya di siya nakapag enjoy kasi ito na naman, lockdown na naman.”

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

At noong ika-22 ng Mayo nga ay naganap na ang surpresang bagong studio kay Kath sa tulong ni DJ. Sa nasabing espesyal na surpresa, ay naroon ang kapamilya at mga malalapit na kaibigan ng aktres kung saan ay nasaksihan ng mga ito ang labis na tuwa at pasasalamat ni Kath.

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Nang makita nga ni Kath, ang napakagandang studio para sa kanya, ay hindi siya makapaniwala at ilang ulit na sinambit ang mga salitang “Oh my God”. Ayon naman kay Kath, ay ngayon lang nagtagumpay si DJ na surpresahin siya.

“First time ako na-surprise ni DJ. Parating hindi siya maka-keep ng surprise eh. Sobrang zero idea ”

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Photo credits: kathryn bernardo | Youtube

Hindi nga maitago ni Kath ang kanyang tuwa at pasasalamat lalo na sa kanyang ina na si Mommy Min na nagplano ng lahat. Ngayon pa lang ay excited na si Kath at DJ sa bagong studio, para sa bagong segment ng Youtube channel ni Kath na TGIS.

I Finally Have My Own Studio! | Everyday Kath

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *