Karen Davila, Bumilib Kay Sen. Manny Pacquiao Nang Ipagluto Siya Nito sa Naging Pagbisita Niya sa Mansyon ng mga Pacquiao sa Makati

Napakarami nga namang mansyon ng pamilya ni Sen. Manny Pacquiao sa iba’t ibang lugar, mapa-loob o labas man ng ating bansa. At isa nga sa mga maipagmamalaki ng pamilya na kanilang mansyon ay ang matatagpuan sa Makati, na kasalukuyan din nilang tinitirhang magpamilya.

Credit: Karen Davila | Youtube

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay nagawang bisitahin ng isa sa mga popular na ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila, ang mansyon na ito nina Sen. Manny Pacquiao, kung saan ay hind inga lamang siya napabilib sa laki at ganda nito kundi maging sa naging maayos na pagtanggap sa kanya ng senator at ng pamilya nito.

Sa YouTube channel ni Karen Davila ay kanyang ibinahagi ang naging pagbisita niya sa mansyon nina Senator sa Makati.
“Papasukin ba ako nito o susuntukin ako? Ang naging bungad ng ABS-CBN broadcaster bago pa nga niya pasukin ang mansyon.

Credit: Karen Davila | Youtube

Makikita naman na talagang napakalawak at napakaganda ng mansyon na ito ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, at mismo ngang ang maybahay ng sikat na Senator ang pumili ng disenyo nito. Sa naging pagpasok naman ni Karen sa naturang mansyon, ay kanyang napag-alaman na noon pa mang taong 2011 ng manirahan dito ang pamilya Pacquiao.

Naging kapansin-pansin naman kay Karen ang makikitang bible verse sa may dulo ng hallway ng mansyon, kung saan au nakalapat sa dingding ng pasilyo ang Joshua 24:15.
Nang makapanayam naman ni Karen ang Senator, ay kanilang napag-usapan ang laki ng naging pagbabago nito ngayon, pagdating sa buhay pamilya.

Credit: Karen Davila | Youtube

Ayon kay Sen. Manny Pacquiao ngayon ay nagfa-family bonding sila ng kanyang pamilya tuwing weekends at mas nae-enjoy na nga niya na makasama ang kanyang mga anak at asawa, na malayo nga sa buhay niya noon ng siya ay napapalibutan pa ng mga bisyo niya, kung saan noon ay halos hind inga niya magawa na bigyan ng oras ang kanyang pamilya.

Samantala, maging ang mga anak ni Sen. Manny ay nakapanayam rin ni Karen, at ibihagi nga ng mga ito sa kanya, kung anong klaseng ama si Manny Pacquiao.
Nilibot nga ni Karen ang iba’t ibang parte ng mansyon ng Pacquiao na ito sa Makati, kung saan isa sa mga ipinasilip niya ay ang opisina ng senador na talaga namang napakaganda. Ipinakita rin niya ang hardin at swimming pool ng nasabing mansyon, na napakalawak naman talaga.

Credit: Karen Davila | Youtube

Tinungo rin ni Karen kasama si Sen. Manny ang kusina ng nasabing mansyon, at talaga namang namangha ang ABS-CBN broadcaster sa all-white theme nito.
Hindi naman inaasahan ni Karen na ipagluluto siya ng Senator, kaya naman talagang bumilib siya ng simulan na nito ang pagluluto. Napakasarap naman talaga ng putaheng niluto nito na escabeche, at dito nga napag-alaman niya na bata pa lamang si Sen. Manny ay marunong na ito magluto.

Ikinagulat naman ni Sen. Manny ng aminin ni Karen na hindi ito marunong magluto.
Sa kabila nga ng karangyaan na tinatamasa ng pamilya ni Sen. Manny Pacquiao, ay makikita pa rin dito na hindi nagbago ang pagiging simple nito sa buhay.

Credit: Karen Davila | Youtube

Ang pamilya Pacquiao ay isa sa mga mayayamang pamilya sa ating bansa, dahil na rin sa pagiging isang mahusay na boksingero ni Sen. Manny na naging daan upang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Sen. Manny Pacquiao ay lumaki sa hirap, ngunit dahil nga sa kanyang naging pagsusumikap ay isang marangyang buhay ang tinatamasa nila ngayon.

YouTube video player