John Lloyd Cruz, Masayang Nagdiwang ng Father’s Day Kasama ang Kanyang Anak na si Elias sa Isang Beach Trip

Sa pagdiriwang ng “Father’s Day” ay isa nga naman sa mga nais ng mga ama ay ang makasama sa espesyal na araw na ito sa kanilang buhay ang kanilang buong pamilya, lalo na nga ang mga anak nila, na naging dahilan nga upang sa kanilang buhay ay maranasan nila ang maging isang ama.

Credit: jlc_bea4ever | Instagram

At isa nga ang aktor na si John Lloyd Cruz, sa mga ama na naging masaya ang pagdiriwang ng nasabing okasyon dahil sa nakasama nito ang kanyang anak.

Naging ekstra espesyal ang pagdiriwang ng “Father’s Day” para sa aktor na si John Lloyd Cruz. Ito nga ay dahil sa espesyal na araw na ito ng mga ama na tulad niya, ay muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makasama sa isang masayang bonding moment ang kanyang anak na si Elias Modesto, kung saan ay kasama rin nila ang iba pang mga kaibigan niya.

Credit: jlc_bea4ever | Instagram

Base sa naging ulat, ang nasabing okasyon ay ipinagdiwang ng grupo ng aktor sa ilalim ng masigasig na init ng araw habang sila nga ay nag-iikot sa karagatan sakay ng isang yate at nagsasaya. At sa naging masayang pagdiriwang nga na ito ng grupo, ay may ilang mga larawan na nai-post sa social media, kung saan ay makikita ang naging ‘sweet moments’ ng mag-amang John Lloyd at Elias.

Sa isang larawan nga ay makikita kung gaano kasaya ang aktor habang naglalakad palapit sa kanya ang anak niyang si Elias, bitbit ang isang card at bracelet na ginawa umano nito para sa kanya.
Makikita pa nga sa mga larawan ng mag-ama ang iba pang mga ginagawa nila habang nasa beach trip, kagaya na lamang ng naging encounter nila sa isang ‘money off shore’.

Credit: jlc_bea4ever | Instagram

Isa naman sa mga kaibigan ni John Lloyd na nakipag-bonding sa kanila ay ang aktres na si Maja Salvador, na siya ngang nagmamay-ari ng talent agency na Crown Artist Management kung saan kamakailan nga lamang ay pumirma na ng kontrata ang aktor para sa kanyang magiging pagbabalik showbiz.

Si John Lloyd Cruz ay naging isang ganap na ama, ng isilang ng kanyang dating karelasyon na si Ellen Adarna ang kanilang anak na si Elias Modesto. Hindi naman nagtagal, matapos magdiwang ng ika-unang taong kaarawan ng anak nilang si Elias ay naghiwalay na ang dalawa noon ngang taong 2017. Sa kabila naman ng pagiging hiwalay nila, ay nagkasundo naman sila na magco-parenting sa anak nilang si Elias.