Joey De Leon, Proud Daddy sa Kanyang Anak na Nakapagtapos sa Fordham University sa New York Bilang Cum Laude

Isang aktor, komedyante at sikat na TV host si Joey de Leon na nagsimula sa kanyang karera sa industriya noong dekada 60 bilang radio disc jockey at announcer sa istasyon ng ABS-CBN. Nang tumagal at makapasok sa showbiz ay nakilala siya bilang isang mahusay na komedyante. Mas lalo naman siyang nakilala nang mapabilang siya sa comedy trio na Tito, Vic and Joey sa mga pelikula at TV shows.

Credits: Jocas de Leon | Instagram

Si Joey ang isa sa pinakamatagal nang artista sa Showbiz kung saan ay talagang pinatunayan ang kanyang husay. Sa ngayon, ay isa rin siya sa mga host longest running noontime show na Eat Bulaga.

Ngunit, bago pa man siya pumasok sa showbiz at makamit ang tinatamasang tagumpay ay nag-aral muna siya sa National University of Manila kung saan ay nakapagtapos siya ng kanyang architecture degree.

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig, ay nagkaroon ng masaya at makulay na love life si Joey. Sa katunayan nga nito, ay nagkaroon siya ng dalawang asawa. Unang napangasawa ni Joey si Daria Ramireza kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Keempee at Cheenee.

Credits: Jocas de Leon | Instagram

Ang pangalawa namang naging asawa ni Joey ay si Eileen Macapagal na matapos ang 35 taong pagsasama ay ikinasal na noong taong 2018. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan naman ng tatlong anak, sila ay sina Jocas Eightria, Jako Raphaelle at Jio Sebastiean.

Sa limang anak naman ni Joey, ay napukaw ang atensyon ng publiko ng kanyang anak na si Jocas. Bukod kasi sa maganda at maamo nitong mukha, ay taglay rin ni Jocas ang katalinuhan na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang.

Credits: Jocas de Leon | Instagram

Proud daddy nga si Joey sa kanyang anak na si Jocas dahil nakapagtapos ito sa kilalang paaralan sa New York sa Fordham University. Proud na proud si Joey dahil sa kinuhang kurso na Bachelor of Science in Economics ay nagawa niyang magkamit ng parangal at makapagtapos bilang Cum Laude.

Maliban sa nakamit na tagumpay ay isa rin siyang Master’s Degree holder sa luxury brand management sa European Business School London. Talaga namang kahanga-hanga at dapat ipagmalaki ni Joey ang kanyang napakaganda at matalinong anak.

Credits: Jocas de Leon | Instagram

Bukod naman sa pagiging maganda at matalino, ay isa ring mabuti at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang si Jocas. Sa katunayan nga nito, ay makikita sa social media ni Joey at Jocas ang kanilang mga larawan kung saan makikitang malapit sila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *