Jimmy Santos, Masayang Ibinahagi sa Kanyang Mga Tagahanga ang Kanyang Pagsa-sideline sa Palengke

Si Jaime Santos sa kanyang tunay na pangalan na nakilala rin ng publiko bilang si Jimmy Santos, ay madalas na napapanood sa longest running noontime show ng GMA Network na Eat Bulaga kasama ang mga bigating host ng telebisyon at personalidad na sina Vic Sotto at Joey De Leon.

Maliban sa pagiging isang TV host, ay isa ring mahusay na komedyante si Jimmy. Taong 1970 nang sumabak sa mundo ng showbiz ang komedyante kung saan ay nakasama niya ang batikang aktor na si Fernando Poe Jr. Pagsapit naman ng dekada 80, ang kanyang kasikatan ay mas lalong namayagpag nang pasukin niya ang mundo ng komedya at mapabilang sa Iskol Bukol at T.O.D.A.S.: Television’s Outrageously Delightful All-Star Show.

Ngunit, bago pa man siya maging isang sikat na artista, ay minsang naging mahusay na basketbolista si Jimmy na ipinamalas ang kanyang husay sa loob ng basketball court.

Samantala, pinasok narin ni Jimmy ngayon ang mundo ng vlogging at may sarili na rin siyang YouTube Channel kung saan madalas niyang ibahagi ang mga kaganapan sa kanyang buhay. Sa ngayon na hindi na gaanong aktibo ang karera sa showbiz, ay masaya si Jimmy sa kanyang buhay bilang simpleng mamamayan ng kanyang bayan sa Angeles City sa Pampanga.

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Sa latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Jimmy Saints, ay isinama niya ang kanyang mga tagahanga sa Pampang public market sa Angeles City, Pampanga upang ipakita ang kanyang pagsa-sideline sa palengke at kung paano siyang nakihalubilo sa mga taong naroon.

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Makikita nga sa video na kinamusta ng 69 anyos na komedyante, ang mga taong naroon na abala sa kanilang mga hanapbuhay. Masaya namang nakipagbiruan ang komedyante sa mga tao habang tumutulong sa paghihiwa ng karne sa isang meat stand sa palengke.

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Hindi naman maikakaila na enjoy na enjoy si Jimmy sa kanyang ginagawa at makikitang walang kaarte-arte habang nasa palengke. Dahil nga, nasaksihan ng marami ang natural na kilos ni Jimmy, ay hindi maitago sa mga ito ang paghanga na talagang todo bilib sa ginawa nito.

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Isa nga si Jimmy sa mga artista na talagang sumikat sa kanyang henerasyon. Sa kabila ng kasikatan, ay hindi maipagkakaila na taglay niya parin ang kasimplehan. Bukod rito ay nananatili rin ang kanyang taglay na mabuting kalooban at pagiging mapagkumbaba na kung saan ay nananatiling nakatapak ang mga paa sa lupa sa kabila ng tinatamasang tagumpay.

Photo credits: Jimmy Saints | Youtube

Marami naman ang naaliw at napasaya ni Jimmy sa kanyang vlog. Ngunit, mas marami naman ang talagang humanga sa kanyang pagiging simple at mapagkumbaba. Dahil dito, ay bumuhos naman ang komento na puno ng paghanga mula sa mga netizens:

“Eto po ang halimbawa kung papaano mag-entertain at magpatawa nang hindi nanlalait ng ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!”

“Jack of all trades! Masipag talaga c Jimmy Saints natin. Will wait how you do your palengke sideline. . Nakakaaliw! More to learn from you Big Beautiful Boy of the Philippines.”

“Completos recados ang inyong blog Kuya Jimmy. May sangkap ng history, hinaluan ng reality mula sa iyong mga interviews sa mga kababayan natin kung ano na ang kanilang paghahanap buhay ngayon. At higit sa lahat ay may karagdagan pang mga nakakaaliw mong jokes na kwelang kwela, parang spices na nakakagana sa amin para lalo ka naming tangkilin. Completos recados talaga..wala ka nang hahanapin pa. Keep it up Kuya Jimmy, my idol.”

Jimmy Santos suma sideline sa palengke!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *