Ivana Alawi, Namahagi ng Biyaya at Ipinagluto pa ng Paborito niyang Adobo ang mga Nangangailangan Matapos Makamit ang 13 Million Subscribers sa Kanyang YouTube Channel

Sa taglay na ganda at kaseksihan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay hindi na nakapagtataka na napakaraming tao ang humahanga sa kanya. Ngunit, maliban dito ay hinahangaan rin ng marami ang kabutihang taglay ng puso si Ivana na hindi nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan.

Dahil sa taglay na magandang katangian ni Ivana, ay hindi maikakaila ang dami ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya. At bilang kilala ring vlogger sa bansa, ay isa nga si Ivana sa pinakasikat.

Patuloy na minamahal ng publiko si Ivana at sinusuportahan ang kanyang YouTube channel na ngayon nga ay umabot na ng 13 million subscribers. At upang ipagdiwang ang milestone niya itong bilang isang sikat at matagumpay na vlogger, ay namahagi ng biyaya si Ivana sa mga taong nangangailangan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ayon nga kay Ivana ay ayaw niyang magkaroon ng engrandeng selebrasyon. Sa halip ay nais niyang ipamahagi ang perang gagastuhin sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Paraan ito ni Ivana upang ibalik ang kanyang pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya na dahilan ng tinatamasa niyang tagumpay.

Sa latest vlog ni Ivana na kanyang ibinahagi nito lamang ika-6 ng Hunyo, ay ipinasilip niya ang kanyang paghahanda at pagrerepack ng kanyang ipapamahaging tulong. Ang bilang ng tao na kanyang bibigyan ng tulong ay 1,300. Katulong ang kanyang kapatid na si Hashim at Mama Alawi, ay naghanda sila ng 1,300 eco bags na naglalaman ng bigas, sardinas, facemask at iba pa.

May kasama rin itong paboritong ulam ni Ivana na adobo na siya mismo ang nagluto na tinawag niyang “Adobo Ala Ivana. Maliban rito, ay makakatanggap rin ng tig-isang libo ang bawat isa. Hindi nakasama si Mona sa repacking dahil kinakailangan nitong magpahinga.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, dalawang araw ang ginawang paghahanda nina Ivana para sa mga eco bags na kanilang ipapamahagi. Sa unang araw ay 650 bags at food packs ang kanilang nagawa, ganun rin sa pangalawang araw.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Makikita naman ang pagod at puyat kay Ivana, Mama Alawi at Hashim dahil sa ginawa nilang paghahanda para maipamahagi ang biyaya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ngunit, ang pagod at puyat, ay hindi nila alintana dahil mas mahalaga sa kanila na maghatid ng saya at makatulong sa kapwa.

13 MILLION SUBSCRIBERS! *SHARE THE LOVE* | IVANA ALAWI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *