Isang Pinay OFW sa UAE, Nanalo ng 4.5 Milyong Piso Matapos Itaya sa Loto ang Kanyang Kahuli-hulihang Hawak na Pera

Nabago ang takbo ng kapalaran ng isang Pinay OFW sa UAE matapos manalo sa loto ng P4.5 Million, at isinugal ang kahuli-hulihan niyang hawak na pera.

Hindi nga natin masabi kung saan tayo dadalhin ng tadhana. Bawat isa sa atin, ay may itinakda ang tadhana kung saan, ang iba ay talagang mapalad sa buhay, at may ilan naman ay tila kinakapa pa ng tadhana ang buhay na para sa kanila.

Ngunit, kamakailan lamang ìay isang OFW ang nagpatunay na kapag idinikta ng tadhana ang swerte, ay talaga malaki ang mababago sa buhay. Ang Pinay OFW kasi na ito na nagngangalang Remedios Bombon, ay naging isang instant milyonaryo matapos manalo sa loto ng P4.5 Million gamit ang huling perang hawak niya. Kahit nga walang kasiguraduhan kung mananalo siya, ay talagang isinugal niya ang hawak na pera.

Hindi nga inaasahan at hindi rin siya halos makapaniwala na ang pagtaya niya sa loto, ang magpapabago ng takbo ng kanyang kapalaran matapos niyang manalo. At ang mas lalo pang ikinatuwa ni Remedios, ay nanalo siya sa gitna ng pandemya kung saan matinding hirap rin ang kanyang nararanasan. Ngayong pandemya kasi na isa siyang OFW sa UAE, ay nawalan siya ng trabaho at naabutan pa ng lockdown.

Bago pa man dumating ang pandemya, ay maayos ang trabaho ni Remedios bilang isang house keeper at bus attendant sa UAE. Ngunit, sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay natigil siya sa trabaho. Kaya naman, wala talaga siyang ibang mapagkukunan ng pera.

Pagbabahagi pa nga ni Remedios, ang natitirang pera na lang sa kanyang wallet ay AED60 o katumbas ng P820. Ngunit, sa kabila ng maliit na halagang pera na hawak niya, ay nilakasan niya ang kanyang loob at isinugal ito sa pagtaya sa loto. Kwento pa ni Remedios, bago pa man siya palaring manalo sa loto ay tatlong buwan na siyang walang trabaho, at walang mapagkukunan para matustusan ang kanyang mga pangangailangan.

Matinding panalangin ang ginawa ni Remedios na sana ay makakuha siya kahit na apat na numero lamang, ngunit laking gulat niya na lamang dahil pati pang limang numero ay nakuha rin niya. Nanalo si Remedios ng AED 333,333 o katumbas ng pera sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P4.5 million.

Labis labis at abot langit ang kaligayahan at pasasalamat ni Remedios matapos makamit ang panalo. Sa sobrang saya ay talagang napaiyak na lamang ang Pinay OFW at tila nga lahat ng pagod at paghihirap ni Remedios ay napawi.

Samantala, sa napakalaking halagang kanyang napanalunan ay maaari na siyang umuwi ng Pilipinas at hindi na kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa upang manilbihan sa ibang tao. Sa nasabing halaga, ay maaari na siyang makapagpatayo ng bahay, at magsimula ng sariling negosyo.

Talaga namang napakapalad ni Remedios, dahil sa isang iglap lang ay nabago ang kanyang buhay ng dahil sa pagtaya niya sa loto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *