Connect with us

Entertainment

Ipinakita ni Julia Barretto sa publiko ang kaniyang napakagandang opisina na matatagpuan sa loob ng kaniyang tahanan

Ano mang hamon at pagsubok na ating kinakaharap sa buhay ay hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa at mga pangarap sa buhay na nais nating marating at makamit. Hindi rin basehan ang estado ng buhay upang hindi ka mangarap at maabot ang mga ito.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Nagagawa nating makamit ang mga ito dahil sa ating sipag, tiyaga, determinasyon at ang mga taong nagiging inspirasyon natin at pinanghuhugutan ng lakas sa buhay na kalaunan dahil sa pagsusumikap natin ay nakuha, nabili at nagkaroon tayo ng mga bagay na gusto natin.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Katulad na lamang ng kilalang artista na si Julia Barretto na kamakailan lamang ay kaniyang ibinahagi sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang pinakapaboritong tambayan sa loob ng kaniyang tahanan.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Ito ay ang kaniyang opisina na matatagpuan mismo sa loob ng kaniyang tahanan na ayon sa kaniya ay dati niya lang itong entertainment area. Kaya naman, noong Mayo 8 ay masayang ibinahagi at inilibot ni Julia ang kaniyang mga tagasubaybay sa kaniyang nasabing opisina.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Ang magandang opisina ay matatagpuan sa ikatlong palapag ng kaniyang bahay. Saad ni Julia sa kaniyang vlog, ang nasabing opisina niya ngayon ay dating isang entertainment area at theater room lang niya noon na kung saan niya inaaliw at nililibang ang mga taong bumibisita sa kaniya.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Ang kinakaharap na pagsubok ng ating mundo ang nag-udyok kay Julia na gawing opisina ang nasabing entertainment area ng kaniyang tahanan sa kadahilanang hindi na halos ito nagagamit. Saad pa ni Julia, dahil sa work from home na ay kailangan niya ng isang maaliwalas at tahimik na mapagtatrabahuan na sa kaniyang tahanan lang matatagpuan.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Kaya naman mabilis na nagawa ang nais ng aktres, na kung magagawi ka sa kaniyang opisina ay iyong makikita ang napakaganda, napakaaliwalas at tahimik na opisina at makikita rin ang mga mamahaling kagamitan at talaga namang nakaorganize ang mga ito.


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram


Photo Credits: Julia Barretto | Instagram

Dahil dito ay hahangarin mo rin na magkaroon at makapagtrabaho sa ganitong klase ng opisina, Dagdag pa ng aktres na ang kaniyang bagong opisina ang kaniyang pinakapaboritong lugar ng kaniyang bahay.

error: Content is protected !!