Yam Concepcion, Isinapubliko Na Noon Pang Taong 2018 ay Engaged na Siya sa Kanyang Non-showbiz Boyfriend na si Miguel CuUnjieng

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang “Init sa Magdamag” star na si Yam Concepcion ay may masayang buhay pag-ibig sa piling ng kanyang non-showbiz na si Miguel CuUnjieng. Batid rin ng maraming mga tagasubaybay ng aktres, na ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Miguel ay LDR (long distance relationship) ngunit sa kabila nito ay patuloy naman na nagiging matatag ang kanilang pagsasama.

Credit: Miguel CuUnjieng | Instagram

Samantala, ginulantang naman ni Yam ang mga tagasubaybay niya nito lamang gabi ng ika-22 ng Hunyo ng aminin niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na noon pa mang ika-31 ng Disyembre taong 2018 ay engage na siya sa kanyang boyfriend na si Miguel, na naninirahan nga sa Amerika.

Credit: Miguel CuUnjieng | Instagram

“A thousand cranes YES (ring emoji) @mrcuu 12.31.18 11:59pm #747”, ang naging saad ni Yam sa kanyang IG post.

Ayon pa sa aktres naganap ang wedding proposal sa kanya ng fiancée niyang si Miguel sa Niseko, Japan.

Sa Instagram naman ni Miguel ay makikita ang kanyang naging madamdaming post, kung saan ay kanya ngang sinabi na inantay niya lamang na i-anunsyo ni Yam ang patungkol sa kanilang engagement, para naman kahit delayed na ay maipagdiwang pa rin niya ito at maipagmalaki nga ang pagiging engage na nila ng kasintahang aktres.

Credit: Yam Conception | Instagram

“Now that my better half @yamconcepcion has made the call, time for me to join in the long-delayed celebration.
“I’ll start with just how hard it was to keep this a secret for so long – I’ve wanted few things more than to be able to yell this as loud as I can using every means I have!”

Pagbabahagi pa ni Miguel, hindi nga naman naging ganun kadali na ilihim sa lahat ang engagement nila ng kasintahan, lalo pa nga’t gustong gusto na talaga niya itong ipagsigawan sa lahat.
Ibinahagi pa ng non-showbiz fiancée ni Yam, na araw-araw ay ipinagpapasalamat niya ang naging pagsagot ni Yam ng “Yes” sa kanyang wedding proposal, at kung gaano nga siya kaswrerte sa kasintahang aktres.

Credit: Miguel CuUnjieng | Instagram

“I asked her twice for good measure. You are my only wish, and if granted two wishes you are also my second.”
“I ‘ve loved you more each day since magical one in Niseko, and I promise to give you my 100% for our forever to go.”
“I thank the universe everyday you said yes, and will never know how I got so lucky”, ang naging dagdag na saad pa ni Miguel sa kanyang maramdaming IG post.

Matatandaan naman, na sa isang panayam noon sa aktres na si Yam Concepcion ay kanyang ibinahagi na sa kabila ng pagiging LDR nila ng kanyang nobyong si Miguel, dahil sa nagtatrabaho ito sa isang bagko sa New York ay bihira naman umano silang magkatampuhan.

Credit: Yam Conception | Instagram

“Love at first sight kami noon, e, unang meeting namin.
“Nagkita na kami pero naudlot because he had to leave the Philippines to study, two years yun.
“Pero two years siya nandito, nag-work siya sa SM.
“Kasi siyempre, bago ka makapag-master’s , kailangan atleast two years working experience.”

Chika pa nga ni Yam noon, ang kanilang pag-iibigan ni Miguel ay love at first sight, ngunit naudlot nga lamang ito matapos na mag-aral nito sa ibang bansa ng halos dalawang taon.

Credit: Miguel CuUnjieng | Instagram

Sa kabila naman ng naging pag-anunsyo ni Yam ng kanyang pagiging engaged sa non-showbiz boyfriend niyang si Miguel ay wala pa naman silang ibinibigay na anumang detalye patungkol sa kung kailan magaganap ang pinaka-espesyal na pangyayari sa buhay nilang dalawa, at ito nga ay ang kanilang kasal na paniguradong aabangan ng mga tagahanga ng aktres.