Connect with us

Entertainment

Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang kaniyang mga litrato noong kaniyang kabataan

Nakasanayan na natin sa panahon ngayon na magbahagi ng mga litrato sa ating mga social media. Tulad na lamang din ng mga kilalang celebrities na nagbabahagi din ng mga litrato ng mga masasayang kaganapan sa kanilang buhay.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Ngunit isa sa mga binabahagi ng mga ito ang inaabangan ng mga netizens o tagahanga ng mga artista at ito ay walang iba kundi ang kanilang throwback pictures na kung saan makikita natin ang mga idolo natin noong mga bata pa sila. Mas naeexcite tayo lalo na kung ang mga nagbabahagi ay yung mga beteranong aktres o aktor tulad na lamang ni Sunshine Cruz.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Si Sunshine Cruz ay isa lamang sa mga artista na hinahangaan ng nakakarami noon pa man at magpahanggang sa ngayon. Kasalukuyang nasa 43 taon gulang na ito ngunit kung titingnan mo ang kanyang mga litrato ay tila hindi ito tumatanda at mukha pa din nasa 20 taon gulang pa lamang.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Ang kanyang magandang pangangatawan at malaporselanang kutis ay bunga ng kanyang magandang pangangalaga sa kanyang sarili.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Si Sunshine Cruz ay ipinanganak noong Hunyo 18, 1977 at kilala siyang magaling na aktres at singer. Nakilala ang aktres na ito dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte at sa kanyang taglay na kagandahan.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Dahil dito nabihag niya ang puso ni Cesar Montano at nagpakasal noong taon 2000. Bumunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong napakagandang anak na babae na nagngangalang Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Lumipas ang ilan taon ay nauwi din sa hindi inaasahang paghihiwalay ng dalawa na ikinalungkot ng kanilang mga tagahanga. Gayunpaman ay masaya na sila sa kani-kanilang mga buhay.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Nito lamang nakaraan ay nagbahagi ng throwback photos ang aktres na si Sunshine Cruz na kung saan marami sa mga netizens ang humanga at natuwa sa mga ito.


Photo courtesy: Sunshine Cruz | Instagram

Mayroon din nagsabi na kung saan ang aktres ay kamukang-kamuka ng kanyang mga anak sa Throwback photos na kanyang ibinahagi. Hindi din maikakaila saad ng ibang netizens na kung itabi mo Sunshine Cruz sa kanyang mga anak ay tila magkakapatid lang sila.

error: Content is protected !!