Connect with us

Entertainment

Hinangaan ang Taglay na Kagandahan ng Anak ni Dawn Zulueta na si Ayisha na Ngayon ay Tumuntong na sa Edad Nitong 12

Isa sa mga beteranang aktres sa mundo ng showbiz na talaga namang ang kagandahan ay pinupuri at hinahangaan ng marami ay si Dawn Zulueta. At sa taglay na ganda ni Dawn, ay hindi nga kataka-taka na mamana ng kanyang anak na babae ang taglay niyang karikitan.

Credit: Dawn Zulueta | Instagram

Si Dawn Zulueta ay mayroong dalawang anak, isang lakaki at isang babae, at ang unica hija nga ng kanilang pamilya ay si Ayisha Madlen Lagdame, na nito nga lamang nakaraan ay nagdiwang na ng ika-12 taon niyang kaarawan.

Sa Instagram ni Dawn Zulueta nito lamang nakaraan, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ng kanyang napakagandang anak na si Ayisha, kung saan ang mga larawan na ito ay nakunan ng magdiwang ng ika-12 taong kaarawan ang kanyang anak. Kalakip nga ng mga larawan na ito, ay ang nakakaantig na mensahe at pagbati ni Dawn para sa anak niyang si Ayisha.

Credit: Dawn Zulueta | Instagram

“[three flower emoi] We wish you a birthday that is beautiful, incredible, and unique as you are. Happy 12th birthday, dearest Ayisha [three birthday cake emoji] I love you so much… #iloveyouayisha#22june”

Base sa hashtag ng naging caption ni Dawn, si Ayisha ay nagdiwang ng ika-12 taong kaarawan nito noon lamang ika-22 ng Hunyo. Ipinahayag niya rin kung gaano niya kamahal ang kanyang anak.
Bumuhos naman ang napakaraming mga komento ng pagbati para sa anak ni Dawn na si Ayisha, mula sa mga tagahanga ng aktres at sa mga kapwa nito artista. Maliban pa sa pagbati para sa kaarawan ng anak ng aktres, ay pinurin rin ng mga ito ang taglay na kagandahan ni Ayisha, na mas namumukadkad na ngayong siya’y nagdadalaga na.

Credit: Dawn Zulueta | Instagram

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng pagbati para kay Ayisha;

“Happy birthday ayisha… the carbon copy of mama… both gorgeous”

“Happy birthday, Ayisha! Stay beautiful inside and out!”

“Happiest Birthday Ayisha.. grabe super ka-look alike mo si mama”

“Ma, 15 na ko, pero mas mukha ka pang dalaga kesa sa akin ayisha”

“From your little girl and now growing into a very fine lady.. Happy Birthday Ayisha.. Mama @dawnzulueta”

Credit: Dawn Zulueta | Instagram

Mababasa sa mga komentong ito na naging kapansin-pansin para sa kanila ang pagiging look-alike ni Ayisha sa kanyang inang si Dawn. At tunay nga naman na sa edad nito na 12, ay makikita na tila ito’y dalagang-dalaga na.

error: Content is protected !!