Heart Evangelista, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda at ​Bagong Pagmamay-aring Beach Front Resort sa Boracay

Marami ang nahuhumaling sa malaparaiso sa gandang taglay ng Boracay, dahilan nga upang dayuhin ito ng maraming bakasyunista. Maituturing nga na isang magandang investment ang magkaroon ng property sa isla ng Boracay kagaya ng isang resort.

Kaya naman ang aktres, entreprenuer at influencer na si Heart Evangelista ay hindi pinalampas ang pagkakataon na makabili ng isang napakagandang resort sa Boracay. Ito nga ang pagmamay-ari niyang resort na Harlan Beach Villa na kamakailan lamang nang buksan sa publiko.

PHOTO CREDITS: iamhearte | IG

Tila nga hindi pa huli para maenjoy ang summer, at maaari pang humabol upang madama ang masayang bakasyon sa beach. Kaya naman, binuksan na rin ni Heart ang kanyang napakagandang resort na nag-aanyaya sa mga turista na mag-enjoy at mag-relax. Sa kanyang Instagram story, ay ibinahagi ni Heart ang larawan ng napakagandang resort kung saan inanyayahan niya ang publiko na bumisita.

“Inquire now, our rates are pretty good and you can have this place all to yourself.”

PHOTO CREDITS: iamhearte | IG

Ang Harlan Beach Villa ay tiyak na nagbibigay ng masarap na bakasyon sa mga turista sa isla ng Boracay kung saan ay talagang mararamdaman ang buhay sa isla. Ang resort nga ay binubuo ng nipa-hut inspired villas na nakatayo malapit sa karagatan,kung saan ay masisilayan ang magandang tanawin ng malawak at kulay bughaw na dagat. Ang nasabing resort rin ay napapalibutan ng mga matataas na puno ng niyog, na nagbigay rin ng magandang tanawin at maaliwalas na kapaligiran.

PHOTO CREDITS: @HARLANBORACAY INSTAGRAM

Sa loob naman ng villa ay masisilayan ang magandang interior design nito. Sasalubong sa loob ng villa ang light wood design nito na binagayan naman ng wide windows. Tiniyak naman ni Heart na nilinis at nka-sanitize ang buong pasilidad, para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga guests.

Para naman sa pamilyang bibisita sa resort, ay naghihintay ang two-floor villa na nakakonekta sa napakaganda nitong swimming. At kung para naman sa mga couple, ay may nakahanda rin ang resort na maliit na villa para sa dalawang tao.

PHOTO CREDITS: @HARLANBORACAY INSTAGRAM

Ang napakagandang resort ni Heart na ito na hatid ang malaparaiso sa gandang lugar, na tiyak na magbibigay ng saya at kapanatagan sa kanilang mga bisita ay matatagpuan sa Station Zero sa isla ng Boracay.

At para nga sa mga hahabol ngayong summer sa kanilang bakasyon, ay naghihintay ang napakagandang resort ni Heart na tiyak na magbibigay ng masaya at hindi makakalimutang bakasyon.

PHOTO CREDITS: @HARLANBORACAY INSTAGRAM

Isang napakagandang investment nga ito ni Heart, na lalo na’t nakahiligan na ng maraming Pinoy ang magtravel kasama ang kanilang pamilya. Tiyak na dudumugin rin ito ng mga banyaga dahil sikat na sikat ang Boracay bilang isang paradise island sa mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *