Connect with us

Entertainment

Erich Gonzales, Ipinasilip Ang Kanyang Lot Tripping sa Antipolo para sa Bago Niyang Investment

Isa si Erich Gonzales sa mga artista sa industriya ng showbiz na masasabing may pinakamatagumpay na karera. Sa edad na 14 taong gulang ay sumabak na si Erich sa pag-aartista kung saan ay talagang ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Unang nakilala si Erich sa showbiz matapos maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest sa ABS-CBN. Mas lalong nakikilala si Erich ng publiko matapos mabigyan ng lead role sa teleserye ng ABS-CBN na “Katorse”.

Hindi naman sinayang ni Erich ang pagkakataon na mas lalo pa niyang ipamalas ang kanyang angking husay sa pag-arte, dahilan nga upang dumagsa ang napakaraming proyekto sa kanyang karera, mapa-pelikula man o teleserye. Hindi naman maikakaila ang taglay na natural na kagandahan ni Erich. Kaya naman, marami ring kompanya ang kumukuha sa kanyang upang mag-endorso ng mga produkto.

Samantala, ang bawat pera na kanyang kinikita mula sa kanyang pinagpaguran, ay tinitiyak niyang napupunta sa tama At isa nga sa itinuturing na investment ng aktres na malaki ang maitutulong sa kanya pagdating ng panahon ay ang pagbili ng mga lupa.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Napakaganda naman talagang investment ito, lalo na’t habang tumatagal ay tumataas ang halaga ng lupa. Kaya naman, kapag bumili siya ng lupa ngayon, ay maibebenta niya ito ng mas mataas na halaga sa susunod na mga taon.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

At kamakailan lamang, sa latest vlog ni Erich nito lamang ika-30 Mayo, ay isinama niya ang kanyang mga tagahanga sa kanyang virtual lot tripping sa Antipolo. Isa sa may pinakamagandang view pagdating sa usaping lugar, ay kabilang nga rito ang Antipolo.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Sa latest vlog na ito ni Erich, ay naghanap ang aktres ng fairway lot kasama ang mga taong may ideya pagdating sa lupa, na sina LJ Jacinto at LA Alcantara. Sa pagkakataong ito, ay mga fairway lots ang binisita ni Erich para sa kanyang magiging investment. Ang mga fairway lots ay mga lupa na malapit, katabi o nasa loob mismo ng golf course.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Sadyang napakaganda naman ng tanawing makikita sa mga ganitong klase ng lote. Ito nga ay dahil napakagandang pagmasdan at nakakarelaks ang mga luntiang kapaligiran na hatid ng kabundukan at mga puno, samahan pa nga ng magandang kalangitan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Sa nasabing vlog ni Erich, ay tatlong lote ang kanilang pinuntahan na pawang mga fairway lots. Ang bawat lote, ay ipinaliwanag ni LJ at LA ang sukat, at maaaring maging disenyo ng itatayong bahay rito. Maging ang kagandahan ng bawat lokasyon ng lupa ay ipinaliwag rin ng dalawa.

Makikita naman na nag-eenjoy si Erich sa kanilang paglilibot at ngayon pa lang ay excited na ang aktres sa kanyang bagong investment na maaari niyang pagtayuan ng bahay na nais niya pagdating ng panahon.

error: Content is protected !!