Engrande at Dream Wedding ng mga Sikat na Celebrities na ito ating Balikan

Pangarap nga ng marami ang magkaroon ng engrandeng kasal. Ngunit, kapag sinabing engrande ay hindi naman biro ang gastos at paghahandang gagawin para maisakatuparan ang dream wedding. At kapag nga mga sikat na celebrities sa showbiz ang ikinasal, ay tiyak na bongga at talagang engranda sa ganda at mahal ng gastos.

Talagang pinaghahandaan nila ang kanilang espesyal na seremonya para na rin masiyahan ang kanilang mga bisita. Silipin ang engrandeng kasalan ng mga sikat na celebrities na ito sa showbiz.

Hayden Kho at Vicki Belo

Ang mala-fairy tale na seremonya ng kasal ng celebrity doctors na sina Hayden Kho ag Vicki Belo ay naganap sa The American Church sa Paris kung saan dinaluhan ng 250 guests. At matapos naman ang kanilang sagradong seremonya, ay isa namang bonggang reception ang naghihintay sa mga bisita sa Opera Nacional de Paris Palais Garnier.

The Wedding of the Century : Presenting Hayden and Vicki Kho

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen and King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay engrande rin ang naganap na pag-iisang dibdib, na tinawag pang Royal Wedding noong 2014. Ikinasal sina Marian at Dingdong sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City. Ang kanilang reception naman ay naganap sa Mall of Asia Arena. Talaga namang hahangaan ang engrande nilang kasal. Ang wedding gown ni Marian na dinisenyo ni Michael Cinco ay nagkakahalaga ng P2M.

Dingdong and Marian Official Wedding Video by Mayad

Karylle at Yael Yuzon

Ang singer at TV host na si Karylle ay ikinasal sa vocalist ng Sponge Cola na si Yael Yuzon. Isang engrandeng kasal ang naganap na sa Silang Cavite, sa San Antonio de Padua Church na dinaluhan mg 150 guests. Ito ay naganap noong March 21, 2014 na kabilang rin sa mga binansagang Wedding of the Year.

Yael and Karylle Wedding Video by Threelogy (San Antonio de Padua) March 2014

Anne Curtis at Erwan Heussaff

Masasabi na simple lamang ang kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Ngunit, ang lugar na kanilang pinagdausan, ay isa sa pinakamahal na wedding places sa buong mundo. At ito nga ay naganap sa Queenstown, New Zealand kung saan dumalo ang kanilang malalapit na kaibigan at pamilya. Taong 2016 nang maenggaged sina Anne at Erwan sa isa’t isa at matapos ang anim na taong relasyon bilang magkasintahan, sila ay nagpakasal na.

Anne Curtis and Erwan Heussaff's Wedding in Queenstown

Bangs Garcia at Lloyd Birchmore

Tatlong beses namang ikinasal si Bangs Garcia sa kanyang Filipino-British boyfriend na si Lloyd Birchmore. Una nga ay ikinasal sila sa England noong 2016 sa isang civil wedding ceremony. Nasundan naman ito ng kanilang private wedding na naganap sa isang simbahan. At huli nga, ay isang beach wedding na naganap naman sa Boracay.

Paul Soriano at Toni Gonzaga

Ang aktres at TV host na si Toni Gonzaga, ay ikinasal sa kanyang long-time boyfriend na si Paul Soriano matapos ang walong taong relasyon bilang magkasintahan. Sila ay nagkaroon ng church wedding na naganap sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal, ang lugar kung saan lumaki si Toni. Ang kanilang private wedding ay dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan, at mga kilalang personalidad sa showbiz. Naganap naman ang reception ng kanilang kasal sa Rockwell Tent kung saan naghihintay ang engrandeng selebrasyon.

Paul Soriano and Toni Gonzaga Wedding

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *