Diamond Star Maricel Soriano, Bumilib sa kanyang Pamangkin na si Meryll Soriano Dahil Hindi Umano ito Umaasa sa Kayamanan ng Ama na si Willie Revillame

Nito lamang ika-13 ng Hunyo sa latest vlog ng aktres na si Meryll Soriano, ay naging bisita niya ang isa sa pinakamalapit sa kanyang puso, ang kanyang Tita, at nag-iisang Diamond Star sa industriya ng showbiz na si Maricel Soriano.

Sa nasabing vlog ay maraming bagay ang napag-usapan ng magtiyahin katulad ng pagiging butihing ina sa kanilang anak. Hindi naman naiwasang bumilib ni Maricel sa kanyang pamangkin bilang isang mabuti at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak. Ngunit, higit na kinabiliban ni Maricel kay Meryll ang pagtayo nito sa sariling paa at hindi umaasa sa kayamanan ng ama nitong si Willie Revillame.

Photo credits: google.com

Nadako ang usapan ng magtiyahin rito matapos mapag-usapan kung ano paano nagagawang magpabreast feed ni Meryll sa kabila ng kanyang trabaho. Inamin naman ng aktres na mahirap lalo na nga kamakailan nang gumawa siya ng episode ng “Maalala Mo Kaya”. Pag-amin pa ni Meryll, ay napakahirap lalo na ngayon na kinakailangang hindi sila umuwi dahil sa lock-in taping.

Sinang-ayunan naman ito ni Maricel, at sinabi na napakahirap para sa kapapanganak lamang na ina ang magtrabaho. Kinabiliban naman ni Maricel, na gustong kumita ng kanyang pamangkin ng sariling pera sa kabila ng taglay na kayamanan ng ama nitong si Willie.

Photo credits: google.com

May pagmamalaki ring sinabi ni Maricel na bilib siya sa sariling paninindigan ni Meryll sa pagtatrabaho para kumita ng sariling pera. At ang pagkakaroon ng sariling paninindigan ang talagang gusto niya sa kanyang pamangkin.

“Kasi mamimili ka. Kasi gusto mo ring kumita ng sarili mong pera kahit mayaman ang tatay nito.”

“Pero siya may paninindigan na hindi siya umaasa sa tatay niya. Iyon naman ang ikinatuwa ko sa batang ito hindi siya kagaya ng iba na asa lang ng asa may paninindigan gusto ko ‘yun!” pahayag pa ng beteranang aktres.

Agad namang sinagot ni Meryll ang sinabi ng kanyang Tita Maricel, at sinabing “Never. Kasi nga mana ako sa ‘yo (sa tiyahin).”

Photo credits: google.com

Ibinahagi naman ni Maricel na sa kabila ng tinatamasa nilang tagumpay ngayon, ay naranasan na nilang magtrabaho sa murang edad. Si Maricel ay nagtrabaho na sa edad na 6 na taong gulang, habang si Meryll naman ay 9 na taong gulang. Kaya naman, nakasanayan na nila ang magtrabaho at huwag umasa sa iba.

“Kasi tayo tawagin na nilang fried chicken, fried potato, fried egg sabihin na nila (lahat), pero mas mainam talaga ‘yung naghahanap buhay tayo. Alam mo na ‘yung pride nating mga babae.”

Dagdag pa ni Maricel, ay iba talaga kapag may trabaho at may sariling pera ang babae dahil nabibili nito ang mga gustong bagay.

“Nasubukan ko na rin namang magbakasyon nang matagal, pero iba pa rin ‘yung may work. “You can buy anything you like because it’s your money, honey!”

Sa huli ay ibinunyag naman ng Diamond Star na magkakasama sila ng kanyang pamangkin sa pelikula. Hindi nga maitago ang excitement ni Meryll, dahil gaganap siyang batang Maricel sa proyektong kanilang gagawin.

Photo credits: google.com

Samantala, napag-usapan rin ng dalawa ang tungkol sa mga anak ni Meryll na hinahangaan rin ng kanyang Tita Maricel dahil parehong gwapo. Ang anak ni Meryll na si Guido ay hindi pa napapabinyagan dahil hinihintay pa ang pagdating ng kanyang ina na si Bec Bec. Kaya naman, madalas na makabonding ng anak ni Meryll ang kanyang Lola Maricel, dahilan nga para mag-inggit raw ang Lola Bec Bec nito.

“Oo nga, inggit na inggit na sa akin ang tunay na lola, si mommy 1 kasi iniinggit ko kasi hawak ko si Guido.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *