Connect with us

Entertainment

Delivery Rider na Nangaling pa ng Laguna para Magdeliver kay Kiray Celis sa Maynila sa Halagang 300 Pesos, hinangaan ng Aktres at Binigyan niya ng Tulong

Marami ang nagsulpotang online delivery agency sa bansa mula noong magkapandemiya at marami rin ang tumangkilik at nangailangan dito. Kahit na delikado maraming mga delivery riders pa rin ang sinusuong ang ganitong klaseng trabaho. Dahil sa hirap ng buhay kaya pinagtitiyagan nila ang nakakapagod na ganitong hanapbuhay. At ito ay patok na trabaho ngayon, dahil nga hindi basta-basta nakakalabas ang mga tao.

Photo credits: Kiray Celis | instagram

Isa ang celebrity actress na Kiray Celis ang humanga sa isang delivery rider na nagdeliver sa kaniyang inorder. Ayon sa isang post sa social media ni Kiray na kaniyang ibinahagi, na mabait ang delivery driver na nagdeliver sa kaniya. Mula Laguna hanggang Maynila nagawa parin ng rider na ideliver ang kailangan ni Kiray, iniisip ng aktres na baka umabot sa malaking halaga ang magiging charge sa delivery. Ngunit, laking gulat ni Kiray, dahil 300 pesos lamang ang siningil ng naturang rider.

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

Napansin din ni Kiray na ang tanging lalagyan lamang sa likod ng rider, na kinilalang si Kuya Roger ay isang tupperware. Ayon sa rider, tanging tupperware lamang ang kaniyang lagayan sa kadahilanang wala siyang topbox na kalimitang ginagamit ng mga delivery rider. Dahil dito humanga ang aktres sa sipag at tiyaga ng rider.

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

At dahil na rin sa determinasyong ipinakita ni kuyang rider, binigyan ito ni Kiray ng pambili ng topbox ang rider upang hindi na siya mahirapan pang magdala ng kaniyang mga idedeliver na item kahit malayong lugar pa ito.

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

“Kuya, saludo ako sayo.. sana itong post ko makita ng pamilya mo. Para malaman nila na sobrang hard working mo. Sana yung konting tulong ko sayo, eh makabili ka na ng topbox. Sana magkita tayo ulit kuya roger,”

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

paglalahad ni Kiray sa kanyang post. Nagpaabot din ang aktres ng pasasalamat sa lahat ng riders at fronliners.

 

Photo credits: Kiray Celis | Twitter

Sa hirap ng buhay ngayon lahat ng bagay ay ating pinagtitiyagan. Dahil kung hindi tayo magsisipag hindi tayo makakaahon sa buhay.

error: Content is protected !!