Dating Wowowee Dancer na si RR Enriquez, Ibinahagi ang Nagawang Pagkakamali na Labis Niyang Pinagsisihan Matapos Umorder ng P6 Milyong Halaga ng Milktea

Pagdating nga sa pagnenegosyo ay matinding pag-iingat ang ating ginagawa upang ang perang ipinuhunan ay lumago at mapunta sa tama. Ngunit, may mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang magkamali lalo na pagdating sa pagdedesisyon.

Isang maling hakbang lamang nga, at maling desisyon ay tiyak na maaapektuhan ang negosyo. Kaya naman, upang maiwasan ang pagkakamali ng iba pang negosyante ay ibinahagi ng dating dancer ng Wowowee na si RR Enriquez na isa na ngayong matagumpay na negosyante, ang kanyang karanasan at maling desisyon na nagawa sa kanyang negosyo.

Photo credits: RR Enriquez | IG

Ibinahagi ni RR ang kanyang karanasan sa Instagram kung saan idinetalye niya ang kanyang nagawang pagkakamali sa kanyang negosyo ngayong panahon ng pandemya.

Pagbubunyag nga ni RR ay nagkamali siya sa kanyang pasya na umorder ng 50 libong piraso ng Milktea o katumbas ng kabuuang halaga na P6 Milyon. Ayon naman sa dating dancer, ang dahilan kung bakit umorder siya ng napakaraming milktea sa pag-aakalang mabebenta niya ito tulad ng kanyang produktong kape na talagang patok sa masa.

Photo credits: RR Enriquez | IG

“Wanna know a secret? Mistakes that I did as a business owner during this pandemic?” RR wrote in the caption. “I ordered 50,000 pieces of milk tea which cost me P6 million.”
“Yes, not bragging, I’m just being honest lang because I want to share with all of you the mistakes that I made during this pandemic.”

Ngunit, ang pag-aakalang ito ay isa pa lang malaking pagkakamali. Ayon kay RR, ay natakot siyang maubusan ng stock dahil dalawang buwan ang hihintayin bago pa dumating at maideliver ang produkto. Sa pag-aakala nga na dudumugin ng tao ang milktea tulad ng kanyang kape, ay agad siyang kumuha ng napakaraming stock.

Photo credits: RR Enriquez | IG

Bagama’t, mabenta naman ang milktea, ay hindi ito katulad ng tinda niyang kape na ubos agad. Kaya naman, upang makuha ang perang puhunan ay kailangan niyang maghintay na maubos ang kanyang inorder na produkto.

“And then, boom hindi sya pinagkaguluhan unlike ng Cryolipo coffee. Correction, mabenta naman sya and sure ako mauubos ito pero need ko maghintay. Unlike sa coffee na pag-deliver sa akin ubos agad.”

Nabanggit rin ni RR na kaya niya ibinahagi ang kanyang karanasan kung saan siya nagkamali ay upang magsilbing aral sa mga tulad niyang negosyante at sa mga nagbabalak pa lamang pasukin ang pagnegosyo. Sa huli ay nagbigay naman ng payo si RR base sa kanyang karanasan. Ayon nga rito, kung unang subok pa lamang ng produkto ay wag munang umorder ng marami, bagkus ay umorder lang ng paunti-unti.

“Para kapag naisipan n’yong mag-business, maiwasan n’yo ‘yung ganitong pagkakamali.”

Photo credits: RR Enriquez | IG

Sa kabila ng nangyari sa kanya, ay sa positibong bagay parin nakatuon ang pansin ni RR kung saan ay iniisip niya na ang perang pinuhunan sa milktea ay nasa bangko lang.

Si RR Enriquez ay isang sikat na dancer sa Wowowee noon, ngunit nagpasyang lisanin ang karera upang maging isang matagumpay na negosyante.

Photo credits: RR Enriquez | IG

Ngayon nga, ay may sarili na siyang skin care business at Nail spa. Siya na rin ang tumatayong CEO ng “Cryolipo Coffee by Rejuva”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *