Connect with us

Entertainment

Bilyong Piso na Kinikita ng Broadcast Journalist na Si Idol Raffy Tulfo, Ibinahagi Niya Kung Saan Nga ba Ito Napupunta

Ang YouTube ang isa sa pinakasikat na website ngayon sa buong mundo, hindi lang dahil sa marami sa mga napapanood rito ay nagbibigay aliw sa mga manonod, kundi dahil isa na rin ito sa mga nagiging ‘source of income’ ng ilang mga personalidad sa iba’t ibang panig ng mundo.

Credit: Raffy Tulfo | Instagram

Dito nga sa ating bansang Pilipinas, ay marami na ang ginagamit ang YouTube para kumita ng ekstra at ang iba pa nga ay ginagawa ng fulltime ang pagba-vlog dahil sa talaga namang malaki ang kita rito lalo na nga kung marami ang iyong mga tagsubaybay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na marami na rin sa mga sikat at kilalang personalidad sa showbiz ang gumagamit ng flatform na ito, para na rin kumita ng ekstra, lalo na nga ng sumiklab ang pandemya sa ating bansa, ay marami rin sa kanila anng labis na naapektuhan at nabawasan ang trabaho sa showbiz.

Isa nga sa mga sikat at kilalang personalidad sa telebisyon na kilalang kilala din sa YouTube ay ang sumbungan ng bayan na broadcast journalist na si Idol Raffy Tulfo. At kung paramihan ng subscribers ang pag-uusapan, ay siya pa rin ang nangunguna sa lahat ng mga YouTuber sa ating bansa.

Credit: Raffy Tulfo | Instagram

Para sa hindi pa nga nakakaalam, ang YouTube channel ni Idol Raffy ay mayroon ng 14-milyon na mga subscribers, kaya naman siya pa rin ang nangunguna sa lahat ng mga pinoy celebrities na YouTuber. Kasunod naman niya ay ang mga sikat at popular na personalidad sa showbiz, na sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi.

Samantala, hindi naman maipagkakaila na sobrang laki ng kinikita ng YouTube channel ni Idol Raffy Tulfo, dahil sa talaga namang milyon-milyon ang mga sumusubaybay sa kanya. Ayon nga sa lumabas na ulat ng Push, sa loob lamang ng ilang buwan ay kumita na ng 2.1 bilyong piso si Idol Raffy sa kanyang YouTube channel. Kaya naman ng makapanayam ng Frontliner Pilipinas sa isang virtual presscon si Idol Raffy ay hindi naiwasang maitanong sa kanya kung saan nga ba napupunta ang bilyong piso na kinikita niya sa YouTube.

Credit: Raffy Tulfo | Instagram

“Malaking portion po nu’n ay pinantutulong natin sa mga kababayan natin. So, may pinupuntahan naman po, para do’n sa mga nangangailangan.”

“And then of course, meron ding parte do’n na nagagamit ko. I’ll be lying pag sasabihin ko na lahat napupunta one hundred percent do’n sa tulong. Meron din pong napupunta sa akin, sa pangangailangan ko, sa pamilya ko. Pero a big part of that money goes to helping the poor lalo na”, ang naging saad ng ani Idol Raffy.

Ayon nga sa sikat na broadcast journalist, ang malaking halaga ng kanyang kinikita sa YouTube channel niya ay napupunta sa pagtulong niya sa mga kababayan nating nangangilangan. Pero aminado rin siya, na mayroon ding napupunta sa pangangailangan niya at ng kanyang pamilya.

Ibinahagi rin naman ni Idol Raffy kung ano nga ba ang sikreto para magkaroon ka ng maraming mga subscribers, kung saan ayon nga sa kanya ay ang pinakauna sa lahat ay ang pagkakaroon ng “credibility” o kredibilidad.

Credit: Raffy Tulfo | Instagram

“Credibility is very important. Kaya ako nagkaroon ng maraming mga sybscribers because through the years I was able to establish credibility to them, na kapag ako’y nagbigay ng serbisyo publiko, eh, I really mean it and I’m very sincere in helping them, na hindi yung pakitang tao lamang.”

Dagdag pa niya, “Malalaman naman kasi ng mga viewers, malalaman naman kasi ng mga complainant’s kung ikaw ay namemeke lang o kung ikaw talaga ay tunay ang iyong pagtulong. So, inmy case nakita nila na talagang legit yung aking ginagawang pagtulong kaya dinadagsa nila yung aming action center.”

Maliban pa dito, ay naitanong rin nga kay Idol Raffy, kung sa kinikita ba niya sa YouTube ay kung nabibigyan din ba niya ang kanyang mga kapatid na sina Erwin, Ben at Ramon. Sinagot naman ito ni Raffy, na hindi niya binibigyan ang kanyang mga kapatid ng perang kanyang kinikita, dahil sa may mga sariling pera rin naman ang mga ito, at baka kung gawin pa niya ang magbigay sa mga ito ay maisulto pa niya ang mga kapatid niya.

error: Content is protected !!